Chapter 48

1289 Words

Giyo’s POV  Napakadilim ng langit. Parang ang bigat ng hangin sa paligid. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ko makapaniwala. Hindi ko matanggap na wala na siya at ang pinakamasakit sa lahat, hindi ako makapunta sa lamay. Hindi ako makalapit man lang sa huling sandali niya rito sa mundong ibabaw. Lumabas ako ng bahay, hawak ang bote ng alak. Nasa isip ko si Salve, bawat tawanan namin, bawat kuwento at sikreto. Hindi ko mapigilang bumalik sa mga alaala ng magkasama kami—mula pagkabata hanggang sa nagpaalam siya papunta sa ibang bansa. Dala ko ang bigat ng pangako niyang babalik siya nang matagumpay, na magkasama naming ipagdiriwang ang mga tagumpay na iyon. Pero heto ako, lasing, tila nawawala sa sarili, naglalakad papunta sa kanilang bahay, sa lamay niya, ngunit alam kong hindi ako tatang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD