Giyo’s POV Madaling araw na ako nakauwi sa bahay ko. Inumaga kami sa paghahanap kay Salve. Lungkto na lungkot ako kasi walang nangyari. Ni anino niya ay hindi manlang nakita. Sa pagod ko, bumagsak na lang kusa ang katawan ko sa higaan. Agad akong nakagawa ng tulog dahil sa pagod nang inabot ko. Parang halos isang oras lang ang tulog ko nung tumunog ang alarm clock ko. May pasok ako sa manisyon at hindi ako puwedeng um-absent dahil baka magalit na naman si Madam Ofelia. Habang naghahanda ako ng umagahan ko, may narinig akong mga boses mula sa labas. Tila may mga tao na nag-uusap habang parang mga takot na takot ang boses. Tinawag ko ang aking kapitbahay, si Tita Lita na nakatayo sa may malaking puno ng mangga. “Tita, ano pong nangyayari?” tanong ko, iniisip na baka may bagong balita

