Third Person POV Sa isang liblib na sulok ng Baryo Fuentabella, sa loob ng isang lihim na bodega, nagaganap ang isang seryosong pag-uusap. Isang misteryosang babae ang nakatayo sa gitna ng madilim na silid. Ang kaniyang mga mata ay malamig at hindi maipaliwanag ang lalim ng kanyang galit. Sa harapan niya, nakaluhod ang kanyang mga tauhang armado, tahimik na naghihintay ng utos. “Ilan na ba ang nalaman niyo tungkol sa babaeng madalas kasama ni Giyo?” malamig niyang tanong. Ang boses niya ay walang emosyon, ngunit ramdam ang tensyon sa kaniyang presensya. Ang pinuno ng kanyang mga tauhan, isang lalaki na may matalim na mga mata ay sumagot. “Si Salve, Ma’am. Madalas niyang kasama si Salve nitong mga nakaraang linggo.” Humigpit ang pagkakahawak ng babae sa braso ng kaniyang upuan. “Salve?

