CHAPTER 29 PAGKARAANG KUMAIN ay naunang naligo si Zia upang gumayak dahil aalis sila ni Luna. Nakakaramdam siya ng excitement dahil ito ang unang beses na mararanasan niyang mag-date kasama ang taong mahal niya. Natigilan siya habang nagtotoothbrush at napatingin siya sa salamin nang maisip ang salitang ‘mahal’. Kumunot ang noo niya at dinama ang t***k ng puso sa tapat ng dibdib sa pamamagitan ng pagdantay ng kaliwang palad niya roon. Parang mayroong mga maliliit na paru-paro ang siyang nagliliparan sa tiyan niya nang maisip na mahla niya si Luna. Napapangiti na lang siyang nailing bago muling pinagpatuloy ang ginagawa. ‘Handa ka bang kalabanin ang lahat para lang sa nararamdaman mo para kay Luna?’ Tanong ng isang bahagi ng puso niya. Nang matapos magmumog ng bibig ay tumingin siyang m

