CHAPTER 22 MANGHANG-MANGHA si Zia habang nakatingin ang kaniyang mga mata sa kabuuan ng yateng inakyatan nila ni Luna. Hawak ni Luna ang kamay niya dahil may mga kakilala itong pinagbabati. Hindi niya kilala ang mga ito kahit isa. Walang pamilyar sa kaniya. Ngunit sa paraan ng pananamit ng mga ito, Ang mga kutis ay kaikitaan ng pagiging marangya sa buhay. May mga lalaki rin na bisita na siyang kinakausap si Luna at nakatuon ang atensyon sa kaniya. Nakangiti lang siya at pilit na tinatago ang kabang nadarama. Nang may dumaan na isang waiter na siyang nag-seserve ng mga drinks ay kaagad siyang kumuha ng isang kopita na may kulay gintong likido. Nagkatinginan sila ni Luna. Kumunot ang noo nito nang makitang may hawak siyang inumin. “Bakit?” tanong niya saka bahagyang inikot-inikot ang ko

