CHAPTER 23 DALAWANG BOTE ng ladies drink ang dala ni Luna habang naglalakad palapit sa kinaroroonan niya. Nang makalapit ay inabot nito ang isa sa kaniya. Naupo ito sa tabi niya. Nasa roof top sila ngayon at malayang nakatanaw sa malawak na kalangitan na puno ng mga bituin. Malamig din ang hangin na siyang tumatama sa kanilang balat kaya naman hindi maiwasan na makaramdam siya ng ginaw. “Giniginaw ka?” Tumango si Zia. “Oo. Bakit kasi dito pa tayo nagpunta?” “Mas okay na iyong dito tayo. Namimiss ko rin kasing mag-star gazing,” anito saka tinungga ang bote na hawak. Ganoon din ang ginawa niya. Tinanaw din niya ang kalangitan saka humugot ng malalim na paghinga. Aaminin niyang umokay ang pakiramdam niya dahil kanina, na-stress siya kay Elijah. Pilit na lang muna niyang tinanggap sa isip

