CHAPTER 24 HINDI ALAM ni Ziamber kung anong oras umalis ng condo unit niya si Elijah dahil mas nauna siyang umalis dito para pumasok sa opisina. Alam niya na matindi ang sama ng loob nito sa kaniya. Hindi naman ito nag-iisa dahil ganoon din naman ang nararamdaman niya para dito. Masama rin ang loob niya sa matalik na kaibigan dahil kung magsalita at umasta ay tila ba wala itong tiwala sa kaniya. Alam naman niya ang ginagawa niya at hindi naman siya nalilihis sa plano. Kung napapansin nito na napapalapit siya kay Luna, dapat nga ay matuwa ito dahil nagsisimula na siyang paibigin ang isang iyon. Hindi niya maintindihan kug bakit kailangan pa niulang umabot sa pagtatalo dahil sa pangingialam nito sa ginagawa niya. Hindi naman siya bata at mas lalong hindi naman sila magkarelasyon para ipal

