CHAPTER 25 SI ZIAMBER nga nag nagbantay kay Elijah habang nagpapagaling ito. Hindi naman ito tumagal ng buong araw sa ospital dahil pinayagan din namna ito ng doctor na sa bahay na lang magpagaling. Ingat na ingat siya habang inaalagaan ang kaibigan. Napansin din niya na madalas itong umiyak kaya naman inaalo niya ito. Pangatlong araw na ito mula nang maaksidente si Elijah kaya naman ganoon na rin siyang araw nang lumiliban sa trabaho. Gusto na niyang oumasok ngunit nahihirapan pang kumilos si Elijah. Doon muna ito nanantili sa condo niya dahil wala irn naman mag-aalaga rito kapag umuwi ito sa sariling condo nito. Natanong na niya kung ano ang nangyari noong maaksidente ito. Ayon dito ay natapunan ito ng mainit na tubig nang magtimpla bago umalis ng unit niya. Kumunot ang noo niya. Paki

