CHAPTER 26 NAKATITIG LANG si Ziamber sa harapan ng monitor ng laptop habang pilit niyang pinapasok sa isipan ang mga nalaman ngayong araw. It’s confirmed! Pag-aari nga nga Ate Zandria niya ang keychain na nakita niya sa loob ng drawer ni Luna. Ngunit hindi iyon sapat na ebidensya upang mapatunayan na ito nga ang pumatay sa ate niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung ano ang daoat niyang maramdaman ngayon. Kung dapat ba siyang matuwa dahil kahit paano, may nakita siyang bagay na pwedeng magkonekta sa kapatid niya at kay Luna. O malungkot dahil hindi iyon sumapat? O ang kaunting kasiyahan nang maisip na maliit ang tiyansang mapatunayan na si Luna nga ang may sala. Naguguluhan siya. Nandito siya ngayon sa condo niya. Siya na lang ang nandito dahil umalis na nang tuluyan si Elijah pag

