CHAPTER 29: ONE STEP AT A TIME Malalakas ba tawanan ng mga bata ang maririnig mo dahil sa masasayang mga bata dahil sa kanilang mga parlor games. Wala akong magawa kundi makisali sa kanila, they asked me to kaya bakit naman ako tatanggi. "Kuya Axl pwede po bang yun nanaman ang laruin natin?" napatingin ako sa tinuro ng bibong si Tanya. Isa itong pabitin at alam kong kanina pa sila excited para dito. Tumingin ako kay Elena na naghahanda ng merienda sa hindi kalayuan, "Pwede na ba teacher Elena?" tumingin sya sa akin at tumango. Nagsigawan ang mga bata sa saya. Si Tanya, agad ako hinila dahil sasampa daw sya sa likod ko. Muli kong ibinalik kay Yna ang tingin ko. I caught her looking at me pero umiwas din sya ng tumingin ako. Napangiti ako. Nakakatawa man na sabihin pero kinilig ako. Kan

