CHAPTER 30: A BEAUTIFUL DAY AWAITS "Okay, pack up!" I sigh in relief nang marinig ko yun. Iyan na kasi ang favorite line ko ngayon. Pag sinabi na yan ni Direk, ibig sabihin tapos na ang trabaho, nasa realidad na ako and everytime I hear those words, biglang gumagaan ang dibdib ko. Habang tahimik akong nagliligpit ng mga gamit ko, biglang may umakbay sa akin. Napatingin ako kung sino ito, si Derik. "You're finally back Axl." I gave him a smile. Alam ko na one of this days mangyayari ito, isang linggo kong hindi pinainit ang ulo nya. "Keep it up." tumango lang ako at nagpasalamat. I have to work hard not for myself but for everyone around me. Kailangan kong magtrabaho ng maayos para mas marami akong oras para magawa ang gusto ko, and what is that? You'll know later. I grabbed my phone

