CHAPTER 31: ONE LIFE "Erick, gabi na kailangan mo nang matulog..." ramdam ko na ayaw pa ni Erick matulog pero tama si Yna, gabi na. Buti nalang masunurin si Erick. Ako na ang nagbuhat kay Erick papunta sa kwarto nya, hindi naman malayo ito. Wala si Rico, umalis daw ito two days ago at hindi nila alam kung kelan ang balik. Hindi ko tuloy alam paano nakakayanan ni Yna ang lahat ng ito mag isa. Hindi biro ang bigat ni Erick. But according to Erick, may kasama daw sya sa bahay lalo na kapag nasa trabaho si Yna kayalang bigla daw umalis at hanggang ngayon ay di pa bumamabalik. Dismayado man si Yna pero ano ba ang magagawa nya. Tahimik kaming bumalik sa sala, hindi ko rin alam ang sasabihin ko pero biglang nagsalita si Yna. "So you're here..." tumango ako. Nakaw tingin akong bumaling sa kan

