SO CLOSE
"You're nothing now Axl," kasabay ng pagsabi ni Gwen ng mga katagang iyon ay agad na nagtawanan ang mga tao sa paligid. Isa-isa kong tiningnan kung sino ang mga taong nakapaligid sa amin.
I saw Dad laughing habang nakapulupot ang braso nito sa isang babae na hindi ko pa nakikita. Andoon din ang mga tinuring kong kaibigan- si Charles, Jeff at pati si Marco. I look into their eyes and I saw how they mock me na parang wala ako sa paligid nila.
Nantili lang akong nakatayo doon pinagmamasdan sila habang nagkakasiyahan habang ako ay mag-isa, wala man lang kausap. I tried to talked to someone but they're unresponsive. Titingnan lang nila ako nang saglit at muling babalik sa ginagawa nila.
Para akong mababaliw sa nangyayari, parang akong inuubos ng kalungkutan na meron sa puso ko. Nabibingi ako sa ingay ng paligid ko, pero bakit parang sa napakatahimik naman sa sarili kong mundo.
..
..
..
..
Agad akong napamulat. Napatulala lang ako sa kisame matapos magising sa isang malungkot na panaginip. Tahimik man akong nakatitig sa kisame pero ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Panaginip man yun pero yun ang katotohanan.
Muli kong ipinikit ang mga mata ko. Ilang araw na ba akong dinadalaw ng mga panaginip na yun? At tuwing gigising ako, lagi ko lang maalala kung gaano kalungkot ang buhay ko ngayon.
Madiin kong ipinikit ang mga mata ko, trying to brush away all the pain within pero wala naman nangyayari. Masakit parin ang katotohanan. Tinabunan ko ang sarili ko ng kumot and I silently groaned nang biglang may kumatok.
"Zander, ready na breakfast mo."
Agad akong naghanap ng orasan, 9am na pala. Akala ko maaga pa. "Zander?" muling tawag nito sa akin. "Gising ka na ba?" tanong nya kaya sumagot na ako.
"Oo, pupunta nalang ako sa office."
Ganun parin ang gawain namin ni Yna kahit more than a month na magkasama kami. Iiwanan nya ako ng pagkain sa office at kakatok sa kwarto para sabihin na pwede na akong kumain.
"Sa labas lang muna ako, tawag ka lang kung may kailangan ka."
Inihanda ko na ang sarili ko at pumunta sa office para kumain. Offices must be for work but here I am, ginagawa itong dining hall para lang hindi makita ni Yna ang mukha ko. Buti nalang lately hindi na ito nangungulit na makita ako, nasanay na siguro sya.
..
..
..
Matapos kong kumain, lumabas akong ng office. Katulad ng nakasanayan, sinisilip ko muna ang paligid bago tuluyang lumabas. Pagkalabas ko, naramdaman ko ang katahimikan, nakakapagtaka.
Simula kasi ng nakasama ko si Yna, lagi nalang may ingay, kundi sya kakanta habang naglilinis o nagluluto, makakarinig ka ng unting ingay kapag naglilinis sya ng bahay. Pero ngayon kakaiba ang paligid.
Lumapit ako sa bintana para sumilip kung nasa labas ba ito, pero nakita kong tahimik ang garden. Ito lang naman ang madalas nitong tambayan.
Medyo nakakaramdam ako ng kaba!
Lumipat ako sa opposite na bintana, dito naman makikita mo ang bandang harap ng bahay- kasama na ang gate. Nang sumilip ako, napansin ko kaagad si Yna na nakatayo sa gate. May kausap itong dalawang lalaki- batang lalaki na parang nasa 11-12 years old.
Tanging gate lang ang pagitan ng pag-uusap nila. May hawak si Yna na walis habang nakikipag-usap. Siguro nagwawalis ito ng biglang dumaan ang mga bata. Napaisip tuloy ako bakit sila magkakausap?
Hindi nagtagal, nagpaalam narin ang dalawang bata at bumalik si Yna sa pagtatrabaho at ako naman ay muling nagkulong sa kwarto.
..
..
..
"Ah Zander, magpapaalam lang sana ako..." kakatapos lang nito maghain ng pagkain ko. Nasa office na kasi ako nakatambay two hours ago na. Kaya naghintay narin ako until dinner. Tulad ng dati, nakatalikod ang swivel chair sa kanya.
Magpapaalam? Ano ang ibig sabihin nun? Iiwan na ba nya ako?
"Saan?" tanong ko.
"Kasi,.." sa tono ng boses nya at sa simpleng paghinga nya, malalaman mo na nagaalngan sya sa mga sasabihin. "..Kasi Zander hindi ko na kaya yung ganito na wala akong kausap, hindi naman kasi ako sanay sa ganito.."
Mukha ngang aalis na sya. Bakit parang nalulungkot ako.
"...in real life, teacher ako Zander." patuloy syang nagsalita. "sanay ako sa makukulit na mga bata, sa ingay nila at sa lahat ng gulo sa paligid. But this.. this is totally different."
"Aalis ka na?" yan agad ang tanong ko.
"Alis agad?" balik tanong nya. "patapusin mo kasi muna ako." simple lang talaga mam bara ang babaeng ito. "As I was saying, teacher ako. And para naman hindi ako maboost at makita ko namang useful ako habang andito sa bahay mo, magpapaalam sana ako kung pwede akong magturo ng mga bata dito."
Napakunot ang noo ko. Magtuturo sya? Dito sa loob ng bahay ko? "Don't worry, hindi kami dito sa loob, at hindi naman sila masyadong marami- five lang sila. Sasabihan ko nalang sila na off limit itong bahay, sa garden lang kami."
Hindi ako agad sumagot. I don't know what to say. A part of me wants to say yes dahil nakikita ko na hindi rin naman talaga sanay si Yna sa buhay na ganito, but on the other side, kinakabahan ako. Paano kung makita nila ako? Anong mangyayari?
"Please Zander,.." pakiusap nya.
Matagal bago ako sumagot. "Basta hindi sila papasok sa bahay." What's with this girl that she has the capability to bend me.
"Promise! Hindi ko talaga papapasukin!" masayang sabi ni Yna. Napailing nalang ako. Ganoon kababaw ang babaeng ito. "Thank you talaga Zander, bale sasarapan ko pa ang iluluto ko sayo."
Pagkalabas nya ng office, napasapo nanaman ako sa noo ko. Ano nanaman ang ginawa ko? Bakit ba pagdating kay Yna nahihirapan akong tumanggi.
..
..
..
"A- E -I - O -U, sila ang mga vowels na tinatawag. Sa Filipino, ito ay tinatawag na Patinig." nakikinig lang ako kay Yna habang nagtuturo sya sa mga bata. "Ngayon pag-aaralan natin ang sounds ng bawat vowels na yan."
Ito ang first day nila, sabi ni Yna, 2 hours lang sila na mag-aaral para raw hindi magsawa ang mga bata. Gusto nya lang naman daw matuto ang mga bata magbasa dahil nung nakausap nya pala ito nalaman nyang hindi ito nag-aaral dahil sa kakulangan sa pera. 8 years old at ang iba ay 10 years old na pero hindi parin ito marunong magbasa.
"A ay Ah, ano nga ang sound?" ginaya ng mga bata ang sinabi ni Yna hanggang sa nagpatuloy sila. Matapos ng pinagaralan nila, napailing nalang ako dahil may seatwork ang mga bata. Kaya pala tahimik ito kahapon dahil busy maghanda sa mga gagamitin nya. Noong huli kasi sya nag- grocery bumili sya ng mga materials, pati limang notebook at papel.
Habang pinagmamasdan ko si Yna, nakikita ko yung saya nya mukha nya. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng katulad nya, she's simple, yet perfect. Natigilan ako sa mga naiisip ko at napailing.
Hindi ko dapat i-entertain ang mga ganitong isip dahil baka sa huli, ako lang ulit ang masaktan.
..
..
..
Tumingin ako sa orasan na nasa side table ng kwarto ko. It's already 9pm at di parin ako makatulog. Wala naman ako ginawa maghapon kundi magkulong sa kwarto, silipin kung paano magturo si Yna at kumain.
Ipinikit kong muli ang mata ko para pilitin ang sarili na makatulog. Gusto ko na kasi makatulog pero bakit hindi pa ako dinadalaw ng antok. Pero agad akong napamulat ng mata ng may narinig na sigaw mula sa labas ng kwarto.
Napabangon ako dahil sigurado akong boses ni Yna yun. Ano kaya ang nangyari? Tanong ko sa sarili pero isang sigaw nanaman ang narinig ko. Dahil doon napabangon na ako at lumabas ng kwarto. Napakadilim ng paligid, wala akong makita.
Isang mabilis na takbo ang narinig ko, "Zander!" sigaw ni Yna habang papalapit sa akin.
"Yna!" dahil madilim, bumangga si Yna sa katawan ko. Buti nalang di kami natumba dahil di ko rin napaghandaan dahil di ko naman sya nakikita. Para syang napayakap sa akin, pero agad ding lumayo. Nanginginig ang katawan nya.
"Anong nangyari?" tanong ko. Ito na ang pinakamalapit naming paguusap, hindi na ako nagalala dahil madilim naman. Mabilis ang paghinga nya, nanlalamig ang kamay nya. Ramdam ko yun dahil dalawang kamay ko ay nasa magkabilang braso nya.
"May gagamba kasi sa.. CR." nahihiya nyang sabi.
Natawa naman ako, "Gagamba lang?"
"Wag mo ngang nila-lang- lang yung gagamba! Dahil sa akin hindi lang yun isang lang." naiinis nyang sabi. Natawa lang ulit ako. Hindi narin sya umimik, nasa dilim lang kami at magkaharap.
"Yan, magkaharap na tayong nag-uusap." basag ko sa katahimikan. Hindi sya sumagot. Pero di rin nagtagal nagsalita sya.
“I like the way you laugh.”
---------------
“A cheerful heart is good medicine, but a crushed spirit dries up the bones.” Proverbs 17:22