Chapter 9: The Beast Inside

1130 Words
THE BEAST INSIDE Panibagong araw nanaman, ibig sabihin mag-iisip nanaman ako kung paano papalipasin ang araw na ito. Nakakapagod pala ang buhay na walang ginagawa no? Actually mas nakakapagod pa ito kesa sa loaded ang araw mo eh. Si Yna, alam ko na nagsisimula na ang klase nito. Ang tyaga talaga ng babaeng iyon. Dalawang linggo narin itong nagtuturo. Ngayon nga nadagdagan na ang mga studyante nya, akalain mo pito na. Pero hindi sya tumanggi, nagpaalam pa nga sa akin kung okay lang. May magagawa pa ba ako? Si Yna, nakagawa na ng paraan para hindi mabored, ako? Ito kwarto-office-at pasilip silip lang kay Yna. "Zander?" napalingon ako sa pinto ng kwarto ko. "May pagkain sa mesa, padala ng Nanay ni Junjun, nakahain na yun para sa iyo." "Sige, salamat." sagot ko. Pagkain, puro kain nalang ang ginagawa ko. Kung dati nagrereklamo ako nung di ko pa kasama si Yna dahil puro nalang ako canned goods, ngayon naman ay pakiramdam ko ako na ang pinakatamad sa mundo- kain-tulog nalang kasi ginagawa ko. Si Junjun, isa sa studyante ni Yna na hindi ko pa nakikita, nagdala ng maraming suman nung kelan. Hindi naman ako mahilig sa suman, pero noong natikman yun, talagang naubos ko. HIndi na nga nakakain si Yna- padala pa naman sa kanya yun ng studyante nya. Pero simula naman nun, madalas ng may dala ang batang iyon ng suman at hindi naman ako nakakalimutan ni Yna. Bago sya magtuturo, ipinaghahanda nya ang merienda ko kung sakaling magutom ko. I never had this before- yung alagaan ng isang babae. Wala naman akong Mommy, yung mga dating girlfriend ko bago ako pumasoks a showbiz, puro pagpapa-cute lang ang alam. Si Gwen? Maalaga naman, pero hindi tulad ni Yna na napaka-hands-on sa lahat. Lumabas ako ng kwarto after 15 minutes, baka kasi nasa labas pa si Yna at makita nya ako. Tama ng nagkaroon kami ng close encounter two weeks ago nung natakot sya sa gagamba. Ayaw ko na kasing maulit yun. Hindi ko kasi mapaliwanag ang nararamdaman ko. When she told me she likes the way I laugh, parang bigla akong na-concious. That's not me, nothing move me, kahit babae pa yan. HIndi lang ako na-conscious, dahil at the same time, I felt this warmth inside me. Ramdam ko kasi ang sincerity sa boses ni Yna. Buti nalang madilim, baka kasi kapag nakita nya ang mukha ko, pati ganda ng pagtawa ko di na nya mapansin dahil sa sobrang panget ng mukha ko. .. .. .. Matapos kumain,  as usual tatambay nanaman ako sa trono ko or sa kwarto. Nakakabaliw ang takbo ng ganitong buhay. Sumilip ako sa labas, hindi pa sila tapos. Isa-isang pinapabasa ni Yna ang mga bata ng mga syllables na nakasulat sa placards. Ang galing, nababasa na nila. Napahinga lang ako ng malalim, sumandal ako sa upuan sa dining table at may napansin akong isnag newspaper. Agad ko itong kinuha, at bumungad sa akin ang isang front page na may isang malaking larawan ko. GWEN SALVADOR at AXL LEDESMA, hiwalay na! Napailing nalang ako bago binuksan ang pahina ng newspaper kung saan nakalagay ang balitang iyon. Picture agad namin ni Gwen ang nakita ko- kuha ito noong pictorial ng huling movie namin together. Kinumpirma ni Gwen ang napapabalitang hiwalay na sila ng long time boyfriend na si Axl Ledesma. Halos magdadalawang buwan ng wala sa Bansa si Axl para magpagaling matapos maaksidente. Ayon din sa management ng IBC, hinhanda din daw nito ang sarili para sa malaking proyektong gagampanan. Mabigat parin sa kalooban ko ang tanggapin ang ganitong balita. Normal parin sila sa kanilang mundo, at pinapalabas nila na kahit ako ay nasa maayos na kalagayan. Well, I am. HIndi ako nagugutuman, may bahay ako, pero wala naman akong pamilya. Pero aanhin ko ang pamilya, o kaibigan kung sila ang unang bumitaw sa akin. Kinusot ko ang newspaper at itinapon sa kung saan. Ngayon nararamdaman ko nanaman ang init ng ulo ko, ang sama ng loob, para nanaman akong sasabog. Kelan ba matatapos ito. Habang tahimik ako habang nakaupo, isang ingay mula sa kitchen ang narinig ko. Agad akong pumunta sa kusina at nadatnan ang isang batang lalaki na may bitbit na tinapay, nasa paanan nya banda ang nabasag na plato. Tumingin ang bata sa akin at halatang natakot ko. Sa nakita kong reaction nya, mas lalong sumabog ang dibdib ko sa galit, alam kong natatakot sya sa itsura ko. Hinawakan ko ang magkabilang braso ng bata- napahigpit ang paghawak ko dito. "Anong ginagawa mo dito?" madiin kong sabi. "Nagugutom na po kasi ako," sabi ng batang natatakot pero hindi ako nagpatalo, mas lalo kong hinigpitan ang paghawak sa braso nya. Kumakawala na sya pero mas hinihigpitan ko pa ang kapit. Nabitawan na nya ang tinapay na kinuha, "Uuwi na po ako." umiiyak na sya. Ramdam ko ang panginginig nya. "Nanay.." tawag na nito sa Nanay nya. Nagulat nalang ako ng may tumulak sa akin. "Zander, ano ba?!" si Yna. Masama ang tingin nya sa akin. Nakatingin sya sa mukha ko. Sa mukha kong puno ng peklat mula sa aksidente. Mas lalong pumuyos ang puso ko sa galit. "...sinaktan mo ang bata." Nakayakap ang bata sa bewang ni Yna habang umiiyak. "Kumuha sya ng hindi sakanya..." tumingin si Yna sa nabasag na plato at mga tinapay na nagkalat. "Para sa tinapay sasaktan mo ang bata?" napailing sya at inakay ang bata palabas. Nang umalis sila sa loob ng bahay, pagalit na pumunta ako sa kwarto ko. Nilaksan ko ang pagsara ng pinto para mailabas ang galit na nararamdaman ko. Para akong bomba na malapit ng sumabog. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko, si Yna. "Zander ano bang nangyayari sa iyo?" she's mad. Katulad ko. "Ang usapan natin,walang papasok na bata sa loob ng bahay ko!" "Pero hindi mo dapat sinaktan ang bata, takot na takot sya." "Natakot sya dahil nakita nya ang mukha ko." madiing sabi ko. Hindi nagsalita si Yna. Saglit na tumahimik ang paligid. Pero rinig na rinig ko parin ang lalim ng paghinga ko. "Alam mo Zander? Ayaw mo ipakita ang mukha mo dahil ganyan ang itsura mo. Pero hindi mo alam, mas panget pa ang ugali mo, kesa sa itsura mo." tinapunan ko ng isang malalim na tingin si Yna. Mas lalo akong nagagalit sa sinabi nya. "Hindi mo ako kilala." madiing sabi ko. Tumango sya, "Yes, you're right! Hindi kita kilala, pero kahit hindi kita kilala, ni minsan di pumasok sa isip ko na kaya mong saktan ang isang bata..." "...because I am a beast." sagot ko. "You're not a beast Zander, but you just got the heart of a beast." bago ito tumalikod at lumabas ng kwarto ko. ------------ "A hot-tempered man stirs up strife,  but he who is slow to anger quiets contention." Proverbs 15:18
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD