Chapter 10: Two are better than one

1323 Words
TWO ARE BETTER THAN ONE "Ito na ang breakfast mo," kakahain lang ni Yna ng pagkain ko. Nakatalikod parin ako sa kanya katulad ng kinasanayan ko. "...you know, you don't have to hide your face anymore, nakita ko narin naman." Few minutes ako, nag-aalangan ako sa desisyon na gagawin ko. But now, hearing Yna's voice, reminding me of the fact that she already saw my face, naging buo na ang desisyon ko. Inikot ko ang swivel chair, nakabungad sa akin si Yna. Saglit na tumingin ako sa mata nya, nakatingin din ito sa akin ng mataman. Saglit akong natigilan. I saw something is her eyes, at hindi ko alam kung ano iyon.  Ako ang naunang umiwas ng tingin dahil pakiramdam ko tinutunaw ako ng tingin ni Yna. Inilabas ko mula sa table ang isang cheke, "Tapos na ang trabaho mo dito." sabi ko. But the moment I said those words, agad ko na itong pinagsisisihan. Tumingin akong muli sa mukha ni Yna, hindi ko parin mabasa ang reaction nya. "Papaalisin mo na ako dito?" tanong nya. "Yes," simpeng sagot ko. "Pero hindi ka aalis ng hindi mo makukuha ang pinakadahilan bakit ka andito." iniabot ko sa kanya ang cheke na naglalaman ng five million pesos. Tumango sya, pero ganun parin ang expression ng mukha nya. "Kahit di mo ako paalisin, aalis ako, with or without your money." napatingin ako sa kanya, hindi sya nakatingin sa akin. Naikuyom ko ang palad ko sa sinabi nya. Tulad din si Yna ng marami, they will push me away dahil sa itsura ko. Kaya tama lang na nauna na akong paalisin sya kesa magpaalam syang aalis sya. "Just lock the door kapag umalis ka na." Walang umimik sa amin. Nakatingin lang ako sa pagkaing inihanda nya at sya ay nanatiling nakatayo sa harap ko. Lihim akong napahinga ng malalim, pakiramdam ko may mabigat na bagay sa dibdib ko. Tumingin ako kay Yna, pero bigla syang nagsalita. "Bye." sabi nya bago tumalikod. I hate this feeling of rejection. Naiwan nanaman ako mag-isa. Napahigpit ang kapit ko sa arm rest ng swivel chair. Tumayo ako, at sumilip sa bintana mula sa office. I saw Yna walking, dala nito ang isang brown bag. saglit na lumingon ito, pero nanatili lang akong nakatingin sa kanya. I know she saw me, pero sya ang naunang umiwas ng tingin at tumalikod at lumabas sa bahay ko. When she's gone out of my sight, tumalikod ako at lumabas sa office. HIndi ko na pinansin ang pagkaing inihanda ni Yna. Dahil ngayon, hindi ko maramdaman ang gutom. Natatabunan ito ng sakit dahil mag-isa nanaman ako. Pumasok ako sa kwarto ko. Dumiretso ako sa bathroom at humarap sa salamin. This is the first time after seeing my face matapos tanggalin ang benda. Iniiwasan ko kasing makita ang mukha ko. But this time, I found the courage to look at my ugly face. I saw how horrible I am. Nababalutan ng isang malaking peklat ang mukha ko. I even have some cuts under my mouth. Sa nakita ko, mas lalong nagpuyos ang galit sa dibdib ko. This is the main reason why I am alone in this world. Sa naisip ko, agad kong nasuntok ang salamin na nasa harap ko. Wala akong naramdaman, but I saw blood mula sa kamao ko, at sa salamin na nabasag ko. .. .. .. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakahiga sa kama ko. Basta ang alam ko gabi na. No breakfast, no lunch, aasa pa ba ako na may dinner? Hindi na. Dahil mag-isa lang naman ako. I groaned in pain dahil sa sugat na nasa kamao ko. Kanina nang binasag ko ang salamin, wala akong naramdaman, pero ngayon, ramdam ko na ang kirot. Hindi ko na ito nilinisan, hinayaan ko nalang. Nanghihina ang katawan ko, parang walang lakas para bumangon. Hindi lang sa kama kundi sa totoong buhay. Hindi ko magawang bumangon sa kinasadlakan ng buhay ko ngayon. Was this a curse? What have I done in this world para lang maranasan ito? Dahil masama ang ugali ko? Well, I'm telling this to the world. It's unfair! This is unfair!Because right now, I think I am over-punished. .. .. .. Sobrang daming tao sa paligid ko at dahil dito maraming ingay, tawanan, kantahan at kung ano-ano pang kasiyahan. Napangiti ako sa nakita ko. This is what I want- PARTY! I saw familiar faces. I saw my friends, my father, the head of IBC Network, and my fans. I smiled when I saw their faces. Kitang kita sa mukha nila ang kasiyahan na meron sila and I wanted to be with them. Kaya naglakad ako mula sa kinatatayuan ko, I can't wait to be with them. Pero biglang may isang matigas na bagay ang humabas sa katawan ko. Napatingala ako at napansin na isang napakalaking transparents glass ang nakaharang sa dinadaanan ko. I tried to push it away pero hindi ko magawa. Masyadong matibay ito. Hinampas ko ang salamin at nagsensyas sa mga tao sa kabila wishing they might hear me. Pero walang pumapansin sa akin. Until I realized, I was alone in this transparent room and I can't be with anyone dahil ito na ang mundo ko ngayon. Mag-isa. .. .. .. "Zander?" "Zander?" Nanlalabo ang mata ko ng buksan ko ito. Ramdam ko ang init ng paligid ko, mag-isa parin ako pero may tumatawag sa akin. Zander. Ramdam ko ang takot sa dibdib ko. Until now, sinusubukan ko paring tibakin ang salamin na nasa harap ko. I never wanted to be alone again and because of fear, para akong bata na umiiyak. I'm lost, and I'm scared. "D-don't leave me..." nanghihinang sabi ko. "Hindi ako aalis sa tabi mo..." when heard those words, agad na naramdaman kong nakatulog na ako. .. .. .. Naramdaman ko na basa na ng pawis ang dibdib ko. Saglit na nagmulat ako pero agad din akong nasilaw sa liwanag kaya muli akong pumikit. Ramdam ko ang bigat ng katawan ko, pati ang panghihina. Muli kong binukas nag mata ko, hanggang sa masanay sa liwanag ang mata ko. I am lying on my bed, agad na bumungad sa akin ang liwanag mula sa labas. Umaga na pala. Inilinga ko ang mata sa paligid, parang may kakaiba sa paligid. TUmingin ako sa kamay kong may sugat at nagulat ako at may benda na ito. Magtatanong pa sana ako sa sarili pero biglng bumukas ang pinto ng kwarto ko. Bumungad sa akin ang napakasarap na amoy ng isnag pagkain, at pati narin ang mukha ng babae na may bitbit ng isang tray. "Gising ka na pala..." Natulala ako sa nakita ko. Am I seeing this right? Nasa harap ko si Yna at may bitbit syang pagkain. Sinundan ko ang bawat kilos nya. Inilapag nya ang tray sa table malapit sa kama ko at lumapit sa akin. Para akong na-estatwa ng bigla nyang haplusin ang noo ko. "Bumaba na rin ang lagnat mo," tumalikod ito. "Kumain ka para uminom ka ng gamot." nakakatitig lang ako sa kanya. "Oh bakit nakatingin ka lang sa akin?" tanong nya. She's so casual, tulad ng dati. "Yna?" "Yes, kanina pa ako nandito, ngayon mo lang narealize?" tanong nito sa akin. "Bakit ka.." hindi na nya ako pinatapos. "Because I am efficient when it comes to work. Hindi ako aalis at tatangap ng sweldo, lalo na at alam kong di ko natapos gampanan ang trabaho ko." natulala ako sa sagot nya. So hindi ito panaginip? "Stop it Zander, kailangan mong kumain." isinubo nya sa akin ang kutsara na may soup. Naguguluhan parin ako sa nangyayari, but I opened my mouth. When I tasted it, napangiti ako. "Masarap." sabi ko. And there I know, I wasn't dreaming. She's back. ------------------- "Two are better than one, because they have a good return for their labor: If either of them falls down, one can help the other up.  But pity anyone who falls and has no one to help them up." Ecclesiastes 4:9-10
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD