CHAPTER 67: THE FIRST FIGHT "Bakit wala ka nang imik dyan," saglit lang ako na tumingin kay Yna at ibinalik ang attention ko sa daan. Nagmamaneho ako papunta sa restaurant kung saan kaming magla-lunch. "Hoy,.." Kanina pa ako sinusuyo ni Yna. Halos fifteen minutes na kaming nagbabyahe at ganoon narin katagal na tahimik akong kasama ni Yna. Why? It's because of her stupid ex. I hate seeing him lalo na at lumalapit nanaman sya sa mundo ni Yna. "Dahil ba kay Andrew?" I didn't say anything and I'm sure she got the message. "Axl, hindi ko rin alam na sya pala yung sponsor na darating. I was tasked to entertain the visitor at nagulat ako na si Andrew pala yun." paliwanag ni Yna. Nanlalambing ang boses nito. "Besides, naka pag move na yun. Hindi na tayo guguluhin nun. Just like what he said,

