CHAPTER 68: THE MYSTERY Naghahanda ako nang sarili ko para sa taping for today. Manila na ang base namin. Nasa next phase na kami nang story kung saan naghiwalay na yung dalawang bida. The separation wasn't clear and both hurting. This changed their lives forever. "Axl, ready?" tanong nang isa sa crew at tumango naman ako. We started to roll. My character in this movie is the simplest compare to other characters I had before. But what makes it more challenging is the emotion. Yung lalim nang emotion na kailangan kong ibigay. Lalo na at talagang grabe ang motivation sa amin ni Direk just for us to be effective. Kailangan kong umarte na namumuhay ako nang normal kahit na ang totoo nagbago na ang lahat. Maihahalintulad ko ito sa nangyari sa amin ni Yna noong umalis sya sa Tagkawayanan. Ev

