CHAPTER 37: MIGHTY SHOULDER "Morales, may bisita ka." sigaw yan ng pulis habang nakaupo ako naghihintay sa visitor's area ng maliit na presintong ito. Hindi alam ni Yna ang pagbisita ko kay Rico, hindi rin nya alam na lumapit sa akin si Erick para humingi ng tulong. Ayaw ko nang ipaalam pa ang gagawin kong tulong, basta ang alam ko lang kailangan kong tulungan si Yna- kung ayaw yun gawin ni Andrew ako ang gagawa. I know, she has gone through enough at tama si Erick, napapagod narin ang Ate nya. "Anong ginagawa mo dito?" yan agad ang tanong sa akin ni Rico. Nagtataka ako bakit ganito ang naging buhay ni Rico. Sya naman ang panganay pero bakit sya pa ang nagdadala ng problema sa kapatid nya. Pero ano ba ang karapatan kong husgahan sya? Umupo sya sa tapat ko, "Rico,. tutulungan kita." n

