THIS BRAVE Kitang kita ko sa audience ang pagkabigla at simpleng pagbubulong bulungan. Maging ang host ng show na ito nagulat din sa mga sinabi ko. Aaminin ko, nanlalamig ang buong katawan ko sa nakitang reaction nang mga tao. This will be my first time na maging isang honest na tao on national TV. But on the other hand, I felt relief. "Nakakagulat ang revelations mo ngayon Axl." sabi nang host bago makabawi sa sinabi ko. "So are you saying that you're not dating Gwen Garcia?" pagkumpirma nito. Isang ngiti ang binigay ko sa kanya, "We dated." sagot ko. "Pwede ba namin malaman kailan natapos ang isang relasyon na inabangan nang samabayanan." hindi ko alam kung tatawa ba ako sa sinabi nya o hindi. Isang pekeng relasyon ang inabangan nang sambayanan. It was a relationship built of greed

