CHAPTER 47: START AGAIN "Kuya Axl?" tanong ni Erick na may pagaalinlangan sa narinig nya kaya lumuhod ako sa harap nya at iniabot ang isang sulat na naglalaman nang isang magandang balita na ipinagkait sa kanya ni Andrew. "Nakapasa ako?" nakangiting tumango ako. "Totoo po ba ito?" "Yes. Kaya bukas pupunta tayo sa School para sa orientation mo." naluluha na napatingin si Erick sa sulat. Yung tipong hindi sya makapaniwala sa nabasa. Tumingin sya sa Ate Yna nya na alam kong naghahalo ang saya at galit na nararamdaman. "Ate nakapasa ako." She tried to smile para maitago ang nararamdaman. Alam ko na hindi madali ang pinagdadaanan ni Yna. Niloko sya ni Andrew pati ang pamilya nito. Pero katulad nang dati, pilit nyang ipakita sa lahat na kaya nya. Niyakap ni Yna si Erick, "Yes, Erick nakapas

