CHAPTER 46: LYING LIPS Dahan dahan akong pumasok sa kwarto ni Erick. Umuwi muna si Rico para kumuha nang gamit. Pagdating sa loob, natutulog si Erick. Nakatalikod ito sa pintong pinasukan ko. Umupo ako sa upuan na malapit sa kama ni Erick. Habang nakatingin lang ako kay Erick, hindi ko mapigilang maramdaman ulit ang guilt. Kung hindi ko nagawa kay Erick ang lahat nang ito, siguro hindi nahihirapan si Yna. Hindi nya kailangang masaktan dahil kay Andrew. Sabi ni Rico, si Yna mismo ang nakipagbalikan kay Andrew at kahit ito ay hindi maipaliwanag bakit nagawa yun ni Yna. Magkasama kami ni Yna sa Quezon noon bago sya bumalik kay Andrew. Posible kayang mahal talaga ni Yna si Andrew? Pero pwede ding gumawa nanaman nang paraan si Andrew para balikan sya nito. Kung yun nga ang ginawa ni Andre

