MORE LIKE A HERO "Erick, buksan mo na yung pinto. Andito na si Kuya." Malambing na kinakausap ni Rico ang kapatid. Ilang minuto narin simula nang dumating kami dito sa bahay nila Rico. Nadatnan namin ang iilang kapitbahay na nasa labas ng bahay habang si Ida naman ay nasa pinto nakikiusap kay Erick na buksan na ang pinto. Patay ang mga ilaw at tanging pagtatapon lang nang gamit at hikbi ni Erick ang maririnig. "Ida ano ba ang nangyari?" tanong ko kay Ida na umiiyak na sa pag aalala kay Erick. "Hindi ko rin alam. Nasa labas kami kasi gusto nya raw magpahangin tapos nagpaload lang ako pagbalik ko mainit na ulo nya. Pinalabas nya ako nang bahay tapos ayan, tinatapon nya ang mga gamit sa loob." "Eh si Yna, tinawagan mo na ba?" tanong ni Rico. Tumango si Ida. "Pero hindi ko sya makont

