bc

Lost in the Fire

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
campus
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Maui admires Genesis, a senior engineering student—quiet, strikingly handsome, and brilliant, yet distant and unreadable. But it’s complicated. He openly dislikes her, his sharp eyes often full of annoyance or irritation whenever she’s near. Ngunit kahit na ganon ay hindi pa rin mapigilan ni Maui ang puso na mahulog para sa binata, na kahit ang sariling katawan ay walang angal niyang inaalay dito.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
It was just a normal monday. May mga nagkalat ng students sa buong campus, although hindi pa masyadong marami dahil 7:30 am pa lang naman. Some of the classes started already. Inaantok pa ako at hindi maiwasang mapahikab. D*mn. Walang talab ang pang umagang lamig para gisingin ang aking diwa. Even the cold shower I took earlier didn’t even try. Sobrang puyat ko kasi, i think 4 am na ako nakatulog at 6 am naman bumangon. So basically idlip na lang talaga ang nagawa ko. “Maui!” “Ouch!” I flinched when someone hit my shoulder, medyo may kalakasan yun kaya napangiwi ako’t napahinto. Inis kong hinarap kung sino ang may gawa non, and there i saw my friend, Coline. She’s smiling widely at me like she didn’t do anything. “Girl, you don’t have to hit me!” Irap ko habang marahang hinihimas ang aking brasong hinampas niya. ‘Di biro ang bigat ng kamay ni Coline. I am not exaggerating. She’s a freaking volleyball player for pete’s sake! Outside hitter position pa! At palagi na lang niya akong hinahampas, like it became her habit. Yung totoo mukha ba akong bola? Jeez! Lamog na lamog na ang katawan ko. Spare my body! She chuckled. “Sorry na, I keep calling you kasi pero hindi mo ata ako naririnig sa sobrang lutang mo. Nakatulog ka ba? Looks like you did not.” Aniya matapos pagmasdan ang mukha ko. Very visible ngayon ang eyebags ko, hindi naman malalim pero halata. I didn’t wear any makeup to conceal it, mamaya na lang bago magsimula ang klase namin. Ang totoo ay iidlip muna ako sa library, masarap kasi matulog don dahil malakas ang buga ng aircon. Yes, hindi ako nag-aaral sa library, tulog lang ang inaatupag ko don simula freshie. Wala namang magawa yung librarian kundi hayaan ako, takot lang niya sa Daddy ko. “I am actually going to the library to nap.” Humihikab na sagot ko tsaka muling naglakad sa pasilyong patungo sa library. Mabilis na sumunod sa akin si Coline, parehong lumalagatok sa sahig ang aming four inches heels kaya ang ibang studyanteng nakatambay sa malapit na benches ay napapalingon sa aming gawi. They stared at us from head to toe. Kahit nakalampas na kami ay nakasunod pa rin sila samin ng tingin but we didn’t mind them at all. We just walked confidently. Malayang nakaladlad ang kulay brown na wavy hair ko, malapit na itong umabot sa aking bewang. Samantalang nakatali naman ang kulay black at straight na buhok ni Coline as per the instructions of our professors. Kumpleto ang suot niyang uniporme habang ako ay tanging blouse pa lang, bitbit ko ang blazer sa aking isang braso. Pareho namang maikli ang suot naming skirt na umabot sa kalahati ng aming hita. “Anong ginagawa ng mga tourism student dito sa engineering building?” Natigilan ako. Coline and I exchanged glances, as if we had both heard what a passing student had just said. She grimaced at me. “Yeah. Bakit ba kasi dito sa engineering building ka dumaan? Mas malayo ito sa library kesa yung daan sa kabila.” Bulong niya at medyo dumikit sa akin na para bang bigla siyang nakaramdam ng hiya sa mga engineering students. “Wala lang. Mas marami kasing tao sa kabila kesa dito.” Kibit balikat ko. “Mas marami namang judgemental dito! Tingnan mo kung makatingin ay para bang alien tayo na napadpad sa planeta nila.” Palihim niyang ininguso ang mga estudyante. Konti lang naman sila pero lahat ay nasa amin ang atensyon. May nakita pa akong may hawak na calculator. Seriously? Bakit ba hindi na lang sila magfocus sa pagsolve ng load distributions? Tss! Hindi ko na lang ulit pinansin, bahala sila diyan. I am too sleepy. Ini-imagine ko na agad kung saang bean bag ako hihilata. Napapapikit pa ako habang naglalakad, kulang na lang humilig ako kay Coline sa sobrang antok. “Maui, sana hindi ka na lang muna pumasok sa first subject natin—ahh!” Napatili siya nang bigla akong bumagsak. Jeez! Malakas akong napasalampak sa sahig nang may biglang bumangaa sa akin. I would have tried to avoid falling, but my body was too weak, so I couldn’t manage. Napadilat ako at napatingala. “Hala! Pasensya na, miss. Hindi ko po talaga sinasadya. Sorry.” Tarantang sabi ng babaeng nasa harapan ko at akmang tutulungan akong tumayo pero naunahan ito ni Coline. She helped me stand up quickly dahil umangat ng husto ang aking skirt. My whole legs were exposed. May suot naman akong safety shorts pero nabahala pa rin akong makitaan kaya maagap na binaba ko ang laylayan ng palda. “Sa susunod pwedeng tumingin ka sa dinadaanan mo at wag tatanga-tanga?” Mataray na sita ni Coline sa babae. “Hey, chill ka lang.” Pinigilan ko naman agad ang aking kaibigan sa mga sasabihin pa nito, I knew Coline and her uncontrollable mouth. She can be harsh and cruel to other people most of the time. Nilingon ko ang babaeng kaharap namin para sana sabihing ayos lang, pero agad akong napahinto nang makita ang lalaking katabi nito. He has fair skin and an average build, but his towering height and stillness make him feel distant and intimidating. Naumid ang dila ko nang makatagpo ko ang kulay lupa niyang mga mata, kahit may suot na glasses ay ramdam ko itong mariing nakatuon sakin. Gusto akong tunawin. His jaw clenched. Naibaba ko ang paningin nang di ko na kinaya pa ang intensidad ng kaniyang titig, hindi sinasadyang dumako ang tingin ko sa veiny hands niyang nakahawak sa siko ng babae. Maingat niya itong inilapit sa kaniya na parang pinoprotektahan mula samin. “Walking with your eyes shut? Pathetic and careless. Miss Tourism, save the sleepwalking. School isn’t a dormitory.” Rinig kong nang-uuyam na saad niya bago kami lampasan. Pumihit ako at sumulyap sa kanilang papalayong bulto. I was speechless. “Hindi ba si Genesis Mendez yun, ang presidente ng Engineering Student Council? Shet sobrang gwapo pala non!” Manghang anas ni Coline na gaya ko ay nakatanaw sa mga ito. Tuluyan silang nawala sa aming paningin pero yung puso ko… ang bilis pa rin ng t***k sa hindi malamang dahilan. Hindi pa sana ako matitinag sa aking kinatatayuan kundi lang ako hinatak ni Coline patungo sa kung saan namin plinanong pumunta. Parang zombie akong naglalakad habang iniisip ang aming naging interaksyon. — “Okay class dismissed.” Pagkasabi ni Ma’am ng magic word ay parang magic din akong nawala sa classroom. Ako palagi ang unang lumalabas, hindi naman halatang atat akong matapos ang klase. It was 6 pm, madilim na ang kalangitan, hindi na ako makapag hintay na makauwi para matulog. Buong araw akong lutang kaya walang lessons ang pumasok sa aking utak, mabuti na lang hindi ako natawag ngayon sa kahit anong recitations. It’s my lucky day, I guess. “Una na ako, I still have something to do.” Nagmamadaling paalam ni Coline sa akin, tumango naman ako at sinabihan siyang mag-ingat. Coline and I are both sophomore, nasa first semester pa lang taking bs in tourism management. I am glad I got a friend like her, siya lang ang nakasundo ko nung freshie hanggang sa palagi na kaming magkasama. I pulled out my phone to book a Grab. The school wasn’t that far from my condo, but since I didn’t know how to commute, it was my only option. 19 na ako pero takot pa rin magcommute dahil hindi ako nasanay, ngayong college lang kasi ako nakalaya sa strict rules ng parents ko. I was picked up and dropped off by our family driver until senior high school. Maybe next time, susubukan ko na talaga para matuto ako. Umupo muna ako sa isang bench malapit sa drop-off area para maghintay, ngunit naagaw ng paparating na mga studyante ang atensyon ko. Mga nakasuot sila ng puting uniporme pero ang pang-ibaba ay kulay itim na slacks. Sa lace ng id ay may nakasulat na Civil Engineering. Napaiwas agad ako ng tingin, pero kahit hindi ko sila nakikita ay naririnig ko naman ang mga kantyawan nila sa isa’t isa. Maiingay din pala ang mga Engineering nerdies na ito. “Hindi nagreview pero ang daming nasagutan, wag kami!” “I answered a lot, but I’m not sure if they were correct.” Preskong sagot ng pamilyar na boses. Nagtawanan sila, tawang nanunukso. It was a mix laugh of girls and boys. Huminto ang grupo malapit sa aking pwesto na hindi gaanong maaninag dahil malayo sa poste ng ilaw. “And when the results came out, he ranked highest. Sus! Ikaw pa ba, president!” Gatong naman ng isa pa sa kanila. Dahil sa huling sinabi nito ay napa-side eye ako sa kanila. “Future Engineer nga kasi si Pres sa DPWH.” Tawanan ulit, this time ay hagalpak na. And there I saw him, sa tangkad niya ay siya agad ang nakita ko, he’s smirking at his friends, lumitaw ang biloy sa kaniyang pisngi. Napakurap ako at itinuon ang tingin sa cellphone para malaman kung nasaan na ang binook kong Grab. Malapit na pala, sana dumating na para makauwi na ako. I freaking want to sleep, excited na akong matulog sa aking malambot na kama. Dumating din sa wakas ang kotseng hinihintay ko, color black na vios daw. Nagmamadaling lumakad ako palapit nang huminto ito sa di kalayuan. “Goodbye, president.” “Ingat, Genesis.” Rinig ko pang paalam sa kaniya ng mga kaibigan niya bago ako tuluyang makapasok sa nag-aabang na sasakyan. Ipinikit ko ang namimigat na mga mata at tahimik na pinakirdaman ang aking dibdib na malakas na kumakabog. D*mn. As usual. “Miss Maui?” Makakaidlip na ako when I heard a voice of an old man, medyo disoriented pa nang imulat ko ang aking mga mata. The driver turned to look at me. My eyes hadn’t fully adjusted yet when he suddenly got out of the car. I was confused for a moment. Bakit lumabas siya? But my confusion turned into shock when a new man slipped into the driver’s seat—my senses immediately recognizing his aura and scent. “K-Kai?”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
315.8K
bc

Too Late for Regret

read
326.8K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
145.8K
bc

The Lost Pack

read
445.2K
bc

Revenge, served in a black dress

read
155.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook