Hindi na kami pumasok kinabukasan ni Thor at tumuloy na kami sa out of town namin. Sabi ko doon na lang kami sa Batangas na resthouse nila magstay for few days masaya kasi ako pag andon ako tahimik may peace of mind at sobrang laking bahagi talaga ng pagkatao ko ang resthouse na yun. Yung kahit hindi totoong nangyari andon pa rin ang mga alaala na yun sa puso ko. By Susunod sila Ate dito pati si Bon sa Sabado, gusto kasi sabihin ni Thor sa kanila na engage na kami at magkakaron kami ng kaunting salo salo. Tapos pinapaayos ko na sa mga ate ko na sana makapagleave sila for 1week gusto kasi ni Thor pumunta kina Nanay at Tatay para hingin din ang basbas nila at nang makapagbakasyon din. Sana pumayag si Brandon, kakausapin ko na lang din siya na payagan sila Ate if hindi pumayag ang HR. "Hel

