"Ateee." patakbo akong lumapit sa pangpang nakikita ko na ang bangka na lulan ang mga ate ko pati si Bon ang mga bodyguard nito. Ang bilis ng kaway ng mga ate ko nakatayo na sila sa bangka mga excited na bumaba. "Chammm." inaalalayan sila ate na bumaba ng mga bodyguard ni Bon, ang dami niya kasama ngayon apat na bodyguard. "Grabe ang ganda dito!." manghang sabi ni Ate Myles. "Private proverty niyo tong lahat?" tanong ni Ate Ading kay Thor. "Ah mula dito sa bahay namin medyo malaki pa hanggang doon may boundary banda don. Hayaan niyo ililibot ko kayo para makita niyo din." "Wow sige excited na kami ngayon lang kami nakapunta ng ganito ang saya." ani Ate Myles. Hawak na ng mga bodyguard ni Bon ang mga bag nila ate. "Hi Bon musta byahe?" tanong ko kay Bon ng lumapit na siya sa

