"Tara Andy mauna na tayo." yaya ko sa kanya hinawakan ko siya sa kamay at tumakbo kami papuntang dagat.
Pagtapak ko sa tubig ang sarap naghalo ang init at medyo lamig. "Marunong ka magswimming?" tanong ko kay Andy.
"Yes mam, isa po sa training namin yun."
"Nakakailang yung Mam pwede Cham na lang tawag mo sa akin?"
"Sensya na po hindi po kasi ako sanay tumawag ng first name pero i will try."
"Sanay ka na siguro na puro professional na tawag, since wala ka naman sa work just call me Cham huh." nakangiting sambit ko.
Niyaya niya lang umupo si Andy sakto lang na nababasa ang kalahating katawan nila pag sumasalpol ang alon sa kanila.
"Kwento ka naman mukhang exciting kasi ang maging pulis, ako kasi accountant nasa opisina lang parepareho lang ang ginagawa nasa tapat lang ng laptop ko everyday."
"Ang pagiging pulis mam ah Cham mahirap na masaya dapat totoo sa puso mo na gusto mo ang ginagawa mo kasi may mga tao sa likod mo na umaasa sayo o nasa kapahamakan na dapat mong iligtas."
"Sorry talaga ah hindi pa rin kasi ako makapaniwala na pulis ka."
"Hindi na po kasi uso naman ngayon ang puro lalaki na pulis lang may mga equality na tayo pagdating sa mga trabaho, ang kaya ng lalaki kaya na rin ng babae."
"Totoo tama ka diyan, if i may ask din may asawa ka na ba?"
"Wala po." natatawang sagot niya.
"Boyfriend?" tanong ko ulit.
"Lalong wala rin po."
"Pero meron dati?"
"Wala rin po, busy kasi ako sa school at training tapos diretso work na kaagad pagka-graduate."
"Pareho tayo, busy ako sa school while working pa yun then diretso work din pagkatapos ko. First boyfriend ko si Thor, masarap kaya mainlove. Ilan taon ka na ba if okay lang tanungin?"
"Bente sais."
"Until now wala ka pa rin naging boyfriend?" shock na tanong ko. She just nodded as an answer.
"Well baka hindi pa lang dumadating, pero lalaki ba type mo? Sorry sobrang curious ko sayo ang dami kong tanong. Just tell me if nakaka-offend na ang mga tanong ko."
Natawa lang siya sa tanong ko at tinignan ako. "Hindi rin ako sigurado, pero nagkaka-crush ako sa babae."
"Hello girls." sabay kaming napalingon ng tawagin kami ni Bon, kasama sila Thor and Russ.
"Lovey." nakangiting tawag sa akin ni Thor, inilahad niya sa akin ang kamay niya para tulungan ako tumayo.
"Bro maglalakad lakad lang kami ni Cham." paalam ni Thor sa kapatid.
"Andy babalik din kami kwentuhan ulit tayo pagbalik namin."
"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Thor ng naglakad na kami palayo sa kanila.
"Dito lang sa paligid ligid para makita mo naman ang ibang tanawin dito. Saka magugulat ka sa pupuntahan natin."
"Talaga sige let's go." magkahawak kaming naglalakad, tanging alon ng dagat lang ang naririnig ko paminsan minsan ay huni ng mga ibon. Madaming puno sa paligid lang nakikita ko.
Makalipas ang mga bente minutos na paglalakad, namangha ako sa nakita ko. Isang Natural stone na may arko, isang mataas na kurba ng bato tapos sa gitna ay parang sinadya na butas na pintuan na malaki.
Sa likod nito ay biglang may nagsalita. "Magandang hapon sir Thor, mam."
"Magandang hapon din Manong Ador, inililibot ko lang ang aking kasintahan pupunta kami don sa mga tindahan ng souvenirs."
"Cham ito pala ang isa sa mga in charge sa security dito sa private property namin."
"Hello po." magiliw na bati ni Cham dito.
"Sige po sir enjoy po kayo ni Mam."
Napatingin ako kay Thor ng may marinig akong musika. Hinawakan ko siya ng mahigpit at nagsimula akong tumakbo.
"Wow may mga resorts pala dito?" manghang tanong ko sa kanya.
Ang daming mga long chair at may nakalagay na malaking umbrella, ang daming tao rin na andito.
"Bakit hindi natin sila sinama pala dito?"
"Gusto ko masola ka, tara dadalhin kita sa mga tindahan dito." ang ganda dito akala ko puro private lang meron dito may resorts din pala.
Dinala ako ni Thor sa tindahan ng mga malong. "Pili ka na lovey."
"Etong makulay na to." agad na kinuha ito ng tindera may pink, green, blue at yellow na kulay ito.
"Ate pwede mo ba siya gawing parang bestida."
"Huh? Susuotin ko to?" nagtatakang tanong ko.
"Yes lovey madaming taong nakakakita ng katawan mo ngayon baka nakakalimutan mo." bulong niya sa akin.
"Ahhh hindi mo naman kasi kaagad sinabi kanina sana nagsando muna ako." tinulungan ako ni ate na gawin parang bestida ang malong na binili namin.
After that ay naglakad na ulit kami, tumigil kami sa bilihan ng mga rattan bags.
"Eto lovey bagay sayo to gusto mo ba?" isang katamtamang laki na shoulder bag.
"Yes maganda siya. Sayang wala ako dalang pera."
"Bibilhin ko yan para sayo, do you want to buy sila ate din ng pasalubong bilhan na natin."
"Nakakahiya, babayaran ko na lang sayo mamaya."
"Nope it's okay it's my treat. Pilian mo na lang sila ate."
After namen sa mga bags ay nakita ko na may kumpulan don sa isang tindahan. Tindahan ng mga pang couple items pala, meron akong nakitang couple bracelet na nagustuhan ko ng sobra.
"Lovey gusto ko yung bracelet, pag pinabili ko ba sayo yun isusuot mo palagi?"
"Yeah sure nasaan ba?" tinuro ko sa kanya ang napili kong bracelet, kulay black ang ang lace ng bracelet at pwede mamili ng letter na design nito sakto may letter C at T at nagiisa na lang ito wala ng ibang C at T sa design na to.
"This looks decent naman i think i can wear it everyday."
"Talaga hindi baduy? Hindi ka napipilitan?" paniniguro ko.
"Yes this time i will say promise, it looks fine i like it."
Sa sobrang tuwa ko iniangat ko ang sarili ko and reach his lips and give him a quick kiss. "Kuya bibilhin na po namin to, how much po?"
Pagkakakuha ko ng bracelet ay agad kong sinuot kay Thor ang sa kanya sa right hand ang bracelet na may letter C for my Cham at sinuot niya din yung sa akin letter T for Torrance "Thor" sa kaliwang kamay ko naman.
Hinawakan ko ulit ang kamay niya at naglakad kami na sinasadya kong winawagayway ang mga kamay namin ang cute kasi tignan ng mga kamay namin with the bracelets.
"Feels like we're like teenagers lovey." komento ni Thor, natatawa kasi siya para kaming eng eng maglakad habang nakaholding hands tapos galaw ng galaw sa ere ang mga kamay namin.
"Ayos lang yan, feeling teenager tayo hindi ko kasi naranasan to noong teenager ako. Ikaw ba?"
"Same." nagtawanan na lang kaming dalawa.
"Eto couple shirt naman lovey." Well puro shirt lang naman dito yung may Batangas na print iba ibang design lang.
"Sige pili ka na."
"Kuya isa pong small at large nitong design na po na to."
"Pili ka pa ng ibang design kahit mga 5 pairs."
"Ang dami sure ka?"
"Yes para madami tayong couple shirts. Etong dalawang design gusto ko then ikaw na mamili ng iba."
Madami pa kaming nabili na kung ano na pareho kami, merong tsinelas na pambahay, medyas, bath towel, coffee mug, mga keychains. Niyaya ko na rin si Thor kasi halos magdidilim na baka hinahanap na kami nila.
"Ang tagal nitong dalawa na to pang one and half na bote na namin tong iniinom namin." reklamo ni Bon pagdating namin.
"Sorry napasarap pamimili namin. Eto may dala ako sa inyo." inabot ko ang tshirt na binili ko kay Bon, si Andy meron din pati si Russ.
"Salamat mam." ani Russ
"Salamat Cham." ani Andy.
"Ayon Cham na lang ah you're welcome."
"Shot mo na to Cham." inabutan ako ni Bon ng iniinom nila, whiskey pala to. "Bro eto tatlong shot ah nang makahabol ka naman." sunod sunod na ininom ni Thor naman ang utos ng kapatid niya.
"Wait lang ah iaakyat ko lang tong mga pinamili namin."
"Tulungan na kita lovey." umakyat na kami papunta sa kwarto namin.
Pagpasok namin ng kwarto agad na nilapag ni Thor ang mga pinamili namin, after that pinatay niya ang ilaw at nilock ang pintuan.
"Ang init ng pakiramdam ko lovey." he said na pabulong sa tenga ko, then his lips are already on my lips he's kissing me torridly while removing my malong.
"Kasalanan ng whiskey to eh or ni Bon." i said in between our kisses.
"Mas lamang ang kasalanan mo, you always turn me on sinabayan lang nitong alak."