"Lovey." i'm trying to open my eyes completely when he called me.
"Hmm." ang hapdi ng mata ko nakatulog pala ako sa sobrang kakaiyak ko kanina dahil sa kakaisip ko kay Chelsea.
"Okay ka lang ba lovey ko?." umupo na ako at sumandal sa headboard ng kama.
"Yeah i'm okay na, medyo masakit lang ang mata ko." lumapit sa akin si Thor at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.
"Nagpaluto na ako kay Manang ng tanghalian natin it's almost 12noon nadin."
"Hala ang tagal ko pala natulog wala na tayong nagawa."
"It's okay mainit naman na mamaya na lang tayong hapon magswimming, sakto lang yang tulog mo since hindi ka naman nakatulog ng maayos kagabi." pumunta muna ako bathroom para maligo then bumaba na kami papuntang dining area, andon na sila Bon with his two bodyguards.
Agad naman tumayo si Andy ng makita kaming papalapit at inalalayan niya ako maupo.
"Salamat Andy."
"Bakit namamaga mata mo?" puna ni Bon "Nag-away ba kayo?"
"Hindi Bon ganito lang ako may naalala lang ako kanina kaya naging emosyonal ako." pagdepensa ko. Baka isipin nila inaaway ako ni Thor.
"Sino naman? Yung sa panaginip mo?" malungkot akong napangiti.
"Naalala mo pa pala yung kinuwento ko sayo."
"Oo naman Cham hindi ko makakalimutan yun, dahil doon kasi nabasted ako." nakatawang sabi nito sabay tingin kay Thor.
"Tssk." tanging reaksyon ni Thor. Pinisil ko ang binti ni Thor at nginitian siya.
Isa isa ng nilagay ang mga pagkain sa hapag ng mag-asawa.
"Sumabay na po kayo sa amin." yaya ni Bon sa dalawa.
"Hindi na po sir doon na lamang kami sa dirty kitchen."
"Sige na po madami namang bakanteng upuan para mas masarap ang kain." Bon insisted.
"Maraming salamat po." sagot ng mag-asawa.
"Tay gusto sana namin mag-ihaw mamaya may makukuhaan kayo tayo ng fresh na isda?."
"Aba'y oo itetext ko lang ang kumpare ko magpapadala ako madami silang klase ng isda ano ba ang gusto niyo?"
"Lovey ikaw may gusto ka ba?" tanong sa akin ni Thor.
"Hmm mukhang masarap sana pusit saka liempo."
"Sige mam walang problema."
"Ikaw Andy at Russ may gusto ba kayo?" tanong ni Bon sa bodyguards niya.
"Kahit ano boss." sagot ni Russ.
"Ikaw Andy?"
"Kahit ano rin boss."
"Okay sige ako na daw bahala."
Masarap ang kain nilang lahat dahil sa sarap ng luto ng mag-asawa at may mga fresh fruits pa, pagkatapos kumain ay lumabas sila sa terrace at nagsimula ng uminom. Naglabas ng alak si Bon at niyaya na sila may dala naman na chessboard si Thor pampalipas ng oras habang naghihintay lumamig para makapagswimming na sila.
"May baraha din diyan baka gusto niyong tatlo maglaro?" itinuro ni Bon kay Russ kung nasaan ang baraha.
Niyaya si Cham ng dalawa sa kabilang mesa.
"Hindi ako marunong maglaro nito turuan niyo na lang ako."
"Sige mam, ano ba lalaruin natin Andy?" ani Russ.
"Yung madali lang ah." ani Cham.
"Ano kaya." nagiisip na si Andy. "Lucky 9 na lang."
"Sige lucky 9, tayaan tayo lima lima lang para exciting okay ba sayo mam?" suhestiyon ni Cham.
"Paanong lima lima?" walang kaalam alam na tanong ni Cham.
"Bali kung sino po manalo bibigyan natin ng limang piso." explanasyon ni Russ.
"Ah talaga sige go ako wit lang kukuha lang ako wallet ko ah." dumaan muna si Cham kay Thor.
"Lovey aakyat lang ako kuhain ko lang yung wallet ko lalaro kami ng lima lima." napangiti naman si Thor, nakita niya kasi ang excitement sa mukha ni Cham.
"Aliwin niyo muna si Cham ah." bilin ni Thor sa dalawa.
"Walang problema Boss." sagot ni Andy
"Ano na bro ano na balak mo?" tanong ni Bon after nitong tumira ng knight niya.
"Tuloy lang ako kay Cham, siya ang gusto ko pakasalan." biglang napatingin si Bon sa kapatid ng sobrang seryoso habang si Thor naman nakatingin lang sa chessboard at nagiisip ng ititira.
"Kasal wow you're really serious now?." hindi makapaniwala na sabi ni Bon.
"Bro lahat pwedeng magbago kahit damdamin, napapagod na din ako na magplay around, i just experience the happiest feeling ever and that's in Cham's arms. I dunno how it happen parang magic i know you won't believe me but just watch and see na lang bro." narinig ni Thor ang sobrang lalim na buntong hininga ng kapatid niya.
"I guess pareho tayo ng nakita kay Cham, malas ko lang kasi ikaw ang pinili. Kasi kung ako ang pinili niya ganon din gagawin ko papakasalan ko rin siya she's a wife material for me. Inamin ko naman sa kanya yun dati na i'm ready to settle."
"Stop it bro, i feel like you're still fantasizing her. Stop that sh!t bro, seryoso ako mag-aaway talaga tayo."
"Chill bro oo na tanggap ko na, wala na ako laban okay magiging masaya na lang ako for both of you. Sagot ko na reception sa kasal niyo." pailing-iling na lang si Bon. Close sila ng kapatid at never pa sila nag-away when it comes to women and that won't ever happen.
"Lovey andito na ako galingan mo diyan ah lalaro muna kami." paalam ni Cham at hinalikan si Thor sa pisngi then bumalik na din doon kina Andy.
"Sarap ba mainlove?" pang-aasar ni Bon, nakita kasi nito na sumilay ang maliit na ngiti sa mga labi ng kapatid.
"Hell yeah, unexplainable indeed." natawa na lang si Bon at pinagpatuloy ang paglalaro nila.
Pagbalik ni Cham binabalasa ni Andy ang baraha.
"I'm back konti lang ang barya ko, paano ba laruin ung lucky 9?"
"Ganito to mam addition lang po, pinakamataas na total ay 9 pero pag nakuha mo ang Jack, Queen at King katumbas niyan ay 10 so let's say nakuha mo Jack and 3 so meaning ang total mo is 3 pwede ka pa humirit ng isa pang baraha kunyari nakuha mo is 7 so since 3 ka na kanina bali bokya ka 0 ang score mo talo ka."
"Ah okay so pag 10 ang total talo pala so hanngang 9 lang. Okay gets."
Nagsimula ng mamigay si Andy ng baraha. Ang unang dalawang baraha ni Cham ay nakuha niya ay king at 6.
"Mam isa pang hirit?" tanong ni Andy. nagiisip siya if okay na to or isa pa.
"Hindi na siguro okay na ako." humingi pa ng isang baraha si Russ at si Andy okay na din daw.
"Ay talo ako." si Andy ang nanalo 8 kasi ang total niya si Russ naman ay 3.
Sa sobrang enjoy namin sa paglalaro hindi namin namalayan na alas tres y medya na pala.
"Sir andito na po ang mga isda, pusit at liempo aayusin ko na rin po ang ihawan."
"Salamat sige po." si Bon.
Lumapit si Bon sa amin.
"Tara swimming na tayo." yaya nito sa amin.
"Dito na lang ako boss babantayan ko na lang kayo." ani Andy.
"Ay ang kj mo naman Andy minsan lang tayo magrelax." puna ni Russ.
"Okay lang ako saka wala rin naman ako dalang damit pangligo."
"Halika Andy madami akong dalang extrang damit magpalit na tayo." yaya ko kay Andy wala na siyang nagawa dahil hinawakan ko na siya sa kamay at hinila na papunta sa kwarto namin ni Thor.
"Mam hindi na po nakakahiya." pigil nito sa akin, medyo malakas ang kamay niya kaya napatigil kami habang naglalakad kami.
"Sige na please ikaw lang naman ang kasama kong babae dito samahan mo ako magswimming." pamimilit ko sa kanya.
"Wala po kasi ako dala pamalit."
"Madami akong damit for sure kasya naman sayo yun, sige na please." hinila ko ulit siya at hindi na siya nagpumiglas.
Binuksan ko ang drawer kung saan sinalansan ko na ang mga damit namin ni Thor.
Nilabas ko ang mga dala kong swimsuit, may once piece at two piece.
"Hala mam hindi po ako nagsusuot ng ganyan."
"Why not?" Pumunta ako sa likod niya at finit ko ang tshirt niya. "Tignan mo ang ganda kaya ng hubog ng katawan mo for sure mas lalabas ang kasexyhan mo dito. Bagay itong yellow sayo oh."
Nakita kong lumukot ang mukha niya ng nilahad ko ang kabuohan ng swimsuit.
"Hindi ko talga kaya yan mam." nalungkot ako ng pilit niyang inaayawan ang pinapahiram ko sa kanya.
"Eto may short naman ako dito isuson mo na lang pleaseee. Pagbigyan mo na ako."
"Mam hindi ko talaga kaya to." hinatak ko na siya papunta sa banyo at binigay ang two piece at ang maong short.
"Bilisan mo magbihis ah dito na lang ako magbibihis sa labas." sigaw ko sa kanya.
Napili ko naman ang neon green ko na two piece at susuotan ko na lang din ng maong short para katulad kami ni Andy. Pareho lang naman kami ng katawan ni Andy ang pinagkaiba mas matangkad siya sa akin siguro ng mga 3-4 inches.
Umabot ng 15mins bago lumabas si Andy ang tagal nakaayos na ako lahat lahat nakapaglagay na rin ako ng sunblock.
Paglabas niya ay hila hila niya pababa ang maong short na suot niya.
"Mam ang ikli sobra makikita na pwet ko." since matangkad nga siya mas mahaba nga pala ang biyas niya. Hinanapan ko siya ng medyo mahaba habang short buti meron pa binigay ko sa kanya ang high waist na maong short ko.
Pumasok na ulit siya sa banyo at nagpalit, paglabas niya namangha ako sa katawan niya sobrang firm ng braso niya na may mga kaunting muscle kahit natakpan ang bewang ng short niya halatang may abs siyang tinatago pati ang legs niya sobrang firm.
"Ganda ng katawan mo, nagwowork-out ka ba?"
"Yes mam."
"Ano ba talaga trabaho mo bukod sa pagiging bodyguard?" curious na tanong ko.
"Isa po akong pulis mam."
Mas lalo akong namangha. "Really ang astig, ang ganda mo to be you know that astig."
"Hindi naman mam, hindi naman po tinitignan sa panlabas na anyo ang pagiging pulis."
Napakafirm niya din magsalita, hindi nga lang ganon kaganda boses niya boses lalaki kasi saka yung kilos niya lakad niya parang lalaki.
"Pero mam hindi talaga ako komportable magsuot na nakabra lang sa labas lulubusin ko na baka may tshirt ka diyan."
"Eto sando." binigyan ko siya ng white na sando.
Inayos ko din ang buhok niya itinaas ko ng todo ang ponytail niya sobrang haba ng buhok niya ng nilugay ko hanggang bewang pala.
Paglabas namin busy ang mga boys sa pag-iihaw at sa pagshot. Lumapit na kami walang nagsasalita sa kanila mga nakatingin lang sila sa amin, si Russ ay halatang nagiiwas ng tingin tinignan kasi siya ni Thor na parang sinasabi na wag siyang tumingin sa amin.
Si Bon naman ay tumingin lang sa akin saglit pero mas tumagal ang titig niya kay Andy.
"Lovey ligo na tayo." lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya.
"Bakit hindi ka nagsando?" bulong niya sa akin.
"Ah diba ganito naman okay na sayo?" ganting bulong ko sa kanya. Bumuntong hininga lang siya.
"Mauna na kayo ni Andy susunod na lang kami."
Lumapit si Bon kay Andy.
"Wow! Bagay pala sayo ganyan Andy you surprise me big time."