"Thor." naalimpungatan si Cham na wala sa tabi niya ang kasintahan. Andito siya ngayon sa bahay nito natulog. Dahan dahan siyang umupo sa kama, tinignan niya ang bedside table to check the time it's just 2:15am maaga kasi siya nakatulog kanina after nila umuwi ni Thor from work.
Kinusot kuso niya muna ang mga mata at nagpunta na siya ng bathroom para magtoothbrush at maghilamos. She decided na bumaba at hanapin si Thor, pumunta muna siya ng kusina para kumuha ng tubig. Pumunta siya sa living room pero wala rin ito doon, lumabas siya sa pool area at doon niya ito nakita na nakaupo habang naninigarilyo.
Agad siyang lumapit dito at niyakap niya ito mula sa likuran nito.
"Lovey, ang aga mo nakatulog ka na ba?" bulong ni Cham and then she kiss Thor on his left cheek, napansin niya na nainom pala ito ng alak.
"Sorry hindi na kita ginising maaga kasi ako nagising tapos hindi na ako dalawin ng antok, gusto ko sana magpahinga ka lang." hinawakan ni Thor ang kamay ni Cham and kiss it inalalayan niya ito papunta sa harap niya at pinaupo sa kandungan niya.
"Saan mo gusto pumunta ngayon? Out of town ulit tayo, I want to create more happy memories with you."
"Ikaw kung saan mo gusto wala ako alam sa mga galaan eh."
"Alam mo ba may resthouse kami tabing dagat, medyo matagal na din ako hindi nakakapunta doon do you want to go there?"
"Sa Batangas ba to? Dalawang palapag na malaking bahay?" excited na tanong ni Cham.
"Paano mo nalaman? Sinabi ba ni Bon sayo nagyayaya kasi siya pumunta doon nitong nakaraan.?"
"Hindi, hindi pa kami naguusap. Kasama kasi siya sa panaginip ko, gusto ko pumunta don please pwede natin isama si Bon para madami tayo." she's trying not to cry pero biglang bumaba na lang ang luha niya sa isang mata niya. Masaya lang siya, kasi meron na namang isang lugar na maaring katulad ng nasa panaginip niya.
Hindi niya kayang kalimutan ang lugar na yun sari saring kaganapan ang nangyari doon, pero kahit ganon pa man hindi siya magdadalawang isip na mapuntahan ito.
"Bro ang aga mo naman manggising look it's just past 2am." reklamo ni Bon nang tinawagan siya ni Thor.
"Diba nagyayaya ka sa resthouse gumising ka na diyan bumyahe na tayo tatawagan ko na ang caretaker natin don para masundo tayo maya maya."
"Ah okay sige mag-aayos lang ako be there in an hour."
"Lovey umiiyak ka ba?" agad napansin ni Thor si Cham nanpupunas ng pisngi niya. "What happen?"
"Wala napuwing lang ako pagkahangin kanina, anong sabi ni Bon?"
"Oo sasama daw siya mag-ayos ka na ng mga dadalhin mo gigisingin ko lang si Cynthia para magawan tayo ng agahan para may makain tayo sa byahe susunod ako sa taas."
Agad naman siyang umakyat may mga damit naman na rin kasi siya dito lagi kasi nagyayaya si Thor kung saan saan tuwing weekends kaya nagiwan na rin siya ng mga damit dito. Naglabas na rin siya ng damit ni Thor nilagay niya ito sa kama para makapili na lang siya ng gusto niya dalhin.
"Lovey nilabasan na kita ng mga damit ikaw na bahala if ano gusto mo dalhin, eto yung bag mo."
"Salamat , halika na maligo na tayo." hindi pa tapos sa paglalagay ng mga damit si Cham ng hilahin na siya ni Thor sa bathroom.
Tinimpla ng maayos ni Thor ang heater since maaga pa, pagkatapos ay agad niyang hinawakan si Cham sa magkabilang pisngi nito.
"Mahal na mahal na kita Cham, hindi ko na mapigilan everyday that i spend time with you mas lalo kung nararamdaman na maging masaya thank you for this wonderful feeling." he said sincerely while looking at Cham.
"Sobrang mahal din kita Thor, sana hindi ka mawala sa akin. Ikaw lang ang gusto ko, ikaw lang ang mamahalin ko hanggang humihinga ako i will always love you no matter what happens."
He started to kiss Cham softly biting tasting every part of it, binuksan na niya ang shower at nagsimula na silang mabasa his lips are now trailing kisses from his chin down to her neck and nibbling the sensitive part of it. Napasandal si Cham sa pader, tinanggal ni Thor ang magkabilang spaghetti strap ng suot ni Cham at nahulog na ito sa sahig agad na sinipa niya ito palayo. He loves to own Cham, whenever they do it, he feels complete.
Nagmamadali na lumabas si Thor ng banyo nang may marinig na kumakatok, binuksan niya ang pintuan at sumilip lang.
"Hi Sir andiyan na po si sir Bon." si Cynthia.
"Sige pakisabi pababa na rin Salamat. Magbihis ka na rin isasama ka namin, magdala ka ng kaunting damit."
"Sige sir."
Hindi na namalayan nila Thor na ang tagal na pala nila sa banyo at andito na kaagad ang kapatid niya.
"Ano yun?" tanong ni Cham paglabas ng banyo.
"Andito na si bro."
"Ikaw kasi eh sabi ko sayo isang beses lang."
"Pampalakas lang alam mo naman ikaw ang energizer ko." pilyong sagot ni Thor and claim her lips again.
"Tama na magbibihis na ako, nakakahiya kay Bon."
"Hayaan mo siya don, magkakape pa naman yun."
"Hala Thor naman mamaya naman nanghihina na ako." nakatawang sabi nito kinikiliti na naman kasi nitong ang leeg niya.
"Sige na nga love you." he kiss her one more time on her forehead.
"Bro." tawag ni Thor dito kasalukuyang nagkakape ito kasama ang babaeng bodyguard nito, nauna na siya bumaba nag-aayos pa kasi si Cham.
"Tagal ah akala ko ready na kayo pagdating namin dito."
Inabutan siya ni Cynthia ng kape. "Gawan mo din kape si Cham Cynthia."
"Talagang seryoso ka na kay Cham ah lagi ba siya andito?"
He just nodded while sipping his coffee.
"Kinausap ka na ba ni mom?"
Kumunot ang noo ni Thor.
"Ikaw na lang bro." sagot nito.
"Parang kapatid lang turing ko kay Gabby bro, hindi kita masasalo diyan."
"Hindi ko rin kaya bro, sinabi ko na kay mom bahala na sila. Masaya na ako."
"Hi Bon." andito na si Cham, tumayo si Bon at bineso beso si Cham.
"Hello Cham mas lalo ka gumanda ah, magaling ba mag-alaga tong si Thor?" napabungisngis naman si Cham.
"Ah oo." nahihiyang sagot niya. "Hi sayo." bati niya sa bodyguard ni Bon.
"Hello mam good morning."
"Anong name niya Bon lagi ko siya nakikita mo kasama mo hindi ko pa alam name niya."
"Mam, Andy po name ko." ang babaeng bodyguard na ang sumagot.
"Hi Andy, ngayon lang kita kasi nakita na nakacivilian. Ang ganda mo para maging bodyguard." hindi na napigilan sabihin ni Cham nakafit na blue jeans ito at plain white tshirt normally kasi may nakauniform ito na polo barong at black slacks, nakatali lang kasi na lugay ang mahabang buhok nito ngayon unlike before laging nakatali na pabuns nanliligaw pa lang si Bon sa kanya nakikita na niya ito na kasama ni Bon palagi.
"Babae din hanap niyan." natatawang singit ni Bon.
"Talaga? Sayang naman ang ganda ganda mo akala ko nga assistant ka ni Bon dati bodyguard pala ang astig lang."
"Mas malakas pa yan sa akin." komento ni Bon, habang seryoso lang si Andy na may maliit na ngiti na nakatingin kay Cham.
"Doon na tayo sa kotse mo lahat sumakay hindi na ako magdadala ng kotse." singit ni Thor.
"Okay no problem dalawa lang naman dala kong bodyguard yung isa driver natin at ito si Andy."
Pagkatapos nila magkape ay tumayo na sila palabas, binitbit ni Andy ang mga bag nila Cham, pagdating sa tarangkahan ay agad na pinagbuksan ni Andy sila ng pintuan ng kotse.
"Mam pasok na po." hinawakan ni Andy ang kamay ni Cham at inalalayan ito na makapasok.
"Salamat." ani Cham at doon sila pumuwesto sa dulo, si Bon naman ang nasa gitna at sumakay na rin si Andy sa katabi ng driver.
Nakatulog si Cham at Thor naalimpungatan na lang sila ng gisingin sila ni Andy.
"Mam Sir andito na po tayo sa pantalan."
Pagbaba nila Thor at Cham ay andito na ang caretaker nila na naka-abang na sa kanila, may isang malaking bangka de motor sila Thor na kasya ang bente hanggang trenta na tao. Inalalayan ni Thor si Cham makasakay, amoy na amoy na ni Cham ang hangin na amoy dagat masaya niya itong nilanghap at nilagay din niya ang kamay niya sa tubig ng dagat.
Tumagal ng trenta minutos ang byahe nila at andito na sila.
Hindi makapaniwala si Cham sa nakita, halos kamukhang kamukha nito ang bahay ni Ellsworth. Napangiti siya nang may lungkot, napayuko siya at naiyak na naman.
"What's wrong lovey?" agad na dinaluhan ni Thor si Cham.
"Sorry Thor, i'm trying to forget them pero nasa panaginip ko rin tong lugar na to'. Malaking bahagi tong lugar na to."
"Seriously?" hindi makapaniwala na tanong ni Thor, niyakap ni Cham si Thor nang sobrang higpit, hinagod naman ni Thor ang likod niya.
"Let's go bro Cham gutom na ako." yaya ni Bon. Hinawakan ni Thor ang kamay niya at naglakad na sila papasok.
"Good morning Mam Sir, mabuti naman po at napadalaw kayo." bati ng caretaker na babae nila Thor, asawa nito ang kaninang bangkero.
"Hello po Nay." sagot na bati ni Cham dito.
Nagpunta na sila sa dining area, hindi pa rin makapaniwala si Cham sa nakikita sa loob ng resthouse nila Thor. It's the same exact na resthouse nila Ellsworth.
Pagkatapos kumain ay umakyat na sila, dadalhin daw siya ni Thor sa magiging kwarto nila.
Merong apat na kwarto sa taas at dalawa sa baba, pagdating nila sa taas ay ganon parin tama ang bilang niya may apat na kwarto.
"Pwede ba ako sumilip dito sa kwarto na to please." naiiyak na naman siya dahil ito ang kwarto ni Chelsea.
"Lovey bakit ka ba umiiyak?" worried na tanong ni Thor.
Pagbukas ng pintuan naimagine ni Cham ang dating kwarto ni Chelsea na may pink na pader at punong puno ng hello kitty na design at mga laruan.
"Sorry Thor, hindi ko kayang kalimutan si Chelsea eh. Dito yung kwarto niya, naiimagine ko siya naglalaro diyan patakbo takbo. Ang sakit grabe." napahawak siya sa dibdib niya para kasing nakikita niya si Chelsea ngayon at tinatawag siyang Mommy.
Humagulgol siya ng sobra, matagal na niyang miss na miss si Chelsea.
Thor pull her closer idinikit niya ang mukha ni Cham sa dibdib niya and comfort her.
"Gagawa na lang tayo ng sarili nating anak, para hindi mo na siya maisip ako ang nahihirapan tuwing nakikita ko na ganyan ka. Let's build our own family na Cham."