"Bakit natatakot ka bang matalo kita? At mawala sa paningin mo si Cham?" Pang aasar ni Bon.
"Of course not, sige na payag na ako sa deal. " Napilitan na sagot ni Thor.
"Galingan mo bro." Sabi ni Bon after niyang sumargo.
"Yes i will, i will make sure i will win this time." May kumpyansang sagot naman ni Thor, saktong paglingon niya kay Cham ay nakatingin din ito sa kanya. Nginitian siya nito at ginantihan niya rin ito ng matamis na ngiti.
Pagsargo pa lang ni Bon pumasok na ang tres at syete.
"Race to three ah." Ani Thor.
"Sure." Confident na sagot ni Bon.
"Upo ka muna bro baka mapagod ka." Pang aasar ni Bon nakakalima na siyang bola na naiishoot. Apat na lang.
"Pshh, sablay na yan sa susunod ikaw naman ang uupo." Ganting sagot ni Thor.
"Sh!t" napapadyak sa inis si Bon ng hindi naishoot ang otso.
Pagak na natawa si Thor.
"Upo ka na bro it's my turn." Ani Thor sabay lagay ng tisa sa tako niya.
"Sige sayo na tong round na to ng maexperience mo naman manalo." Umupo na si Bon at nakangiting tinitignan ang kapatid habang seryosong sinisipat ang otso naniniguro na maishoshoot ito.
Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Bon pinagmamasdan niya kasi ang kapatid na hindi pwedeng hindi susulyap kay Cham na kasalukuyang enjoy na enjoy sa shooting arcade, mga zombies kasi ang mga binabaril niya.
Kahit man siya ay naaaliw kay Cham napapatalon at napapapikit pa to pag malapit na ang mga zombies sa kanya.
"Hala patay na naman ako. Ayoko na." Reklamo ni Cham, ibinababa na nito ang toy g*n at naglakad papalapit sa dalawa.
Sinusundan naman ng tingin ni Thor ang bawat galaw ni Cham habang nagtitisa ng tako niya. Last ball na panalo na siya sa first round.
"Come Cham you can seat here." yaya ni Bon kay Cham sa tabi niya.
Inayos ni Bon ang aircon may napansin kasi siyang konting pawis sa gilid ng noo ni Cham.
Nilabas naman ni Bon ang panyo niya at pinahid ang pawis ni Cham.
"Sh!t!!!" Malakas na sigaw ni Thor. Hindi pala pumasok ang nuwebe.
Ang lakas ng tawa ni Bon.
"Ano ba yan bro, isa na lang sumablay pa." Tumayo na ito at kinuha ang tako nito.
"Pshhh." Inis na sabi nito at padabog na naupo sa tabi ni Cham.
Tahimik lang si Cham na tinitignan si Thor na mukhang inis na inis. Talo kasi siya ng kuya niya.
"Pahamak yang pawis mo, wala ka bang sariling panyo?" Ungot ni Thor, mahina lang ito na saktong siya lang ang makakarinig.
"Ano yun?" Tanong ni Cham.
"Hindi mo ba narinig? Lapit ka sa akin." Utos ni Thor, which she oblige.
Ramdam ni Cham ang mainit na hininga ni Thor na dumadampi sa kaliwang pisngi niya.
"Ah ano ba yung sinasabi mo?" Kinakabahan na tanong ni Cham.
Inayos ni Thor ang buhok ni Cham at iniipit ito sa likod ng tenga niya. Napadiin naman ang pagkakasandal ni Cham sa upuan, parang dinaanan ng kuryente kasi yung tenga niya nang maramdaman niya ang daliri ni Thor.
"You smell good and i like it." Thor whispered with his sexy voice, to her suprise ninakawan siya ng mabilis na halik ni Thor sa pisngi niya.
Sabay nito ang pagkalabog ng bola palabas ng billiard table.
Kaya tuluyan ng napahawak si Cham sa dibdib niya doble doble ang t***k ng puso niya sa gulat sa halik ni Thor at ang bola na kumalabog.
"Ah b-bababababa ay ano ba yan bababa muna ako kukuha ako ng maiinom natin." She's stuttering at nagmamadali ng lumabas ng game room.
Napasandal si Cham sa pader paglabas ng gameroom. Kailangan niya muna ng lakas parang gelatin ang mga tuhod niya ngayon.
She slowly touch her cheek where Thor kiss her. She can still feel his lips touching her cheek.
"Oh my! Ano ba tong nararamdaman ko ahh gosh. Kiss palang sa pisngi Cham kumalma ka!" Kausap niya sa sarili niya, she tried to compose herself baka biglang may sumunod sa kanya and she started to walk na going to the kitchen.
"Ano ba yan bro bakit may tumatalsik na bola na." Si Thor naman ang tawa ng tawa.
"You got me there bro! Why did you kiss her?" Badtrip na ungot ni Bon.
"The hell you care, basted ka na bro."
"Ouch ha! Sige na tumira ka na." Padabog na umupo si Bon at tinignan ang cellphone niya baka may importanteng message.
Thor felr energize at mabilis niya lang nashoot ang tatlong bola ng sunod sunod.
"Ano yan ginalingan mo na talaga?" Komento ni Bon ng mashoot na ni Thor ang huling bola.
"Yeah! One all bro."
Nanalo ulit si Thor two-one na pero hindi pa nabalik si Cham. Sa next game seryoso na si Bon kaya ito naman ang nanalo.
Two all na sila.
Si Thor na ang titira.
Sabay napatingin ang dalawa ng bumukas ang pintuan unang niluwa nito ang katulong nila na si Cynthia na may dalang mga fruitshake.
Kasunod nito si Cham, nakapuyod na ang buhok nito na umaalon alon naman tuwing naglalakad ito. Kitang kita ang leeg nitong mapuputi and Thor can't help but to find it sexy.
Suddenly parang nagslowmo ang bawat kilos ni Cham na papalapit na sa kanya.
He shook his head many times after that nasa tapat na pala niya si Cham.
"Here Thor ako gumawa niyan." Iniabot niya sa akin ito with her signature smile. Napasinghap ako, nilapag ko muna ang tako at kumuha ng yosi.
"Wait bro yosi break muna. Wag kang mangdaya ah saglit lang ako." Tumango lang si Bon.
"Here Bon eto yong sayo, ako din gumawa niyan kaya napatagal ako nakialam na ako sa ref niyo ah."
"Hmm yummy ah. Swerte talaga ng kapatid ko sayo ah."
"Hala wag ka maingay baka marinig niya." Nahihiyang suway ko sa kanya.
"Why not, halata ka naman Cham that you like him." Natatawang sabi ni Bon while sipping his shake.
"Totoo? Halata na ba talaga?"
"Ahuh, mukhang affected din si bro based on my observation."
"What do you mean?"
"You will find out when he come back."
Nakabalik na si Thor from his yosi break at ininom na ang fruitshake na iniabot ni Cham.
"Bro let's continue na last game na to."
"Sure go ahead, nagusap naman na kami ni Cham i already told her." Ani Bon sabay kindat kay Cham, hindi naman magets ni Cham. "Makiride ka lang" sobrang hinang bulong ni Bon kay Cham.
"Mukhang okay naman kay Cham na to transfer." Pang aasar ni Bon, nakikita na ang pang gigigil ng mga panga ni Thor.
"Badtrip nabadshot pa." Binalibag ni Thor ang tako niya at napasindi na naman ng yosi.
"Paano ba to bro, last four balls bilisan ko na ba?"
"Subukan mo lang, hindi ako papayag na manalo ka."
Hindi mapakali si Thor at hithit buga na lang ang ginagawa sa yosi niya.
Nakatingin siya sa mga bola na nasa billiard table pero tumatagos ang paningin niya papunta kay Cham.
"Cham ano ishoot ko na ba tong lahat?" Bon asked her.
"Hmm wala ako alam sa bilyar eh. Go ahead."
"Pshhh, ibadshot mo." Bulong ni Thor.
Mukhang nagdiang anghel siya dahil dumulas ang tako ni Bon.
"Hahaha! Lakas ng dasal ng isa diyan ah." Last two balls na sana sumablay pa.
"Sige na panalo ka na bro, uuwi na ako."
"Wait para naman sure na panalo ako."
Mabilis na tinira ni Thor ang last two balls at pareho naman itong naishoot niya.
"Aokay fine, ikaw na nga ang panalo diba?. Uuwi na ako ng masolo mo na si Cham. Bye Cham." Kumaway lang ito at lumabas na ng gameroom.
Namutawi ang katahimikan.
"Uuwi na rin ako." Si Cham na ang naunang magsalita.
Thor did not respond nakatingin lang ito ng diretso sa kanya.
Nilapitan ni Thor si Cham hinawakan sa kamay at itinayo ito. He cupped her face and kiss her lips.
Nanlaki ang mga mata ni Cham sa gulat.
"What are you doing to me? Natakot ako for a moment to lose that game."