Chapter 13

1469 Words
Lingo ngayon walang pasok, hindi mapakali si Cham na hindi makita si Thor. 2 days na pero parang ang tagal mag Monday. "Ano yang niluluto mo bebe?" Si Ate Mylez "Kare Kare teh, dadalhan ko lang boss ko." "Huh bakit anong meron?" "Wala lang hehe sinipag lang ako magluto." Ang sama ng tingin sa akin ni Ate. "I smell something fishy! Hindi ka naman magluluto ng walang dahilan." "Gusto ko lang matikman niya luto ko teh yun lang." "Ashoo, inlove ka ba huh? aminin mo nga?" "Ate naman eh!" "Umamin ka na! Ate mo ko wag ka maglilihim sa akin." "Remember Ellsworth ate? Yung boyfriend ko na hinahanap ko palagi after ko magising sa coma ko?" "Ay oo naman paulit ulit mo binabanggit yun paano ko makakalimutan yun." "Naging totoo na siya na siya ate, nagpakita na siya sa akin." "Seryoso? Totoo yan bebe?" "Oo ate siya ngayon ang boss ko, madaming naging totoo na nasa panaginip ko, etong apartment natin this is the same house in my dreams. Siguro pangalawang buhay ko na to teh, pinapakita lang sakin siguro sa akin ang pwedeng mangyari sa akin sa hinaharap para hindi na ako magkamali sa mga desisyon ko." "Bebe, sige kung saan ka masaya suportahan taka. Hinay hinay lang ah iba siya sa panaginip mo at sa real life." "Thank you teh, kaya ko to. Gusto ko lang mapalapit sa kanya. Masaya na ako na nakikita ko siya kumpleto na araw ko masulyapan ko lang siya." "Hays inlove na ang bebe ko, be careful of your heart lang ah. Andito lang si ate palagi makikinig sayo wag ka mahiya magkwento sa akin ah." "Yes ate thank you." "Nga pala, magiistart na kami sa work next week tinulungan kami ni Brandon makapasok don sa Hotel." "Congrats teh, galingan niyo ah." "Gagalingan talaga namin ng Ate Ading mo, oh siya tirhan mo kami ng niluluto mo ah maglalaba na ako ingat ka ah. Umuwi ka kagad." Pagkaluto niya ay naligo na siya at umalis na papunta kina Thor, nagbabasakali lang siya sana nasa bahay lang siya. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago siya nagdoorbell. Ang kasambahay ni Thor ang nagbukas sa kanya ng pintuan, naalala pa siya nito noong sa huli niyang punta dito. "Mam maupo lang po kayo muna dito hintayin niyo na lang po si Sir." Andito sa may pool area, inilapag niya ang dala niyang paper bag. Nagulat siya ng may nagsaboy ng tubig sa kanya. Si Thor nasa swimming pool pala. "Hi, napadalaw ka?" Tanong ni Thor. Umahon na ito sa pool at naka trunks lang ito. Agad naman iniwas ni Cham ang mga mata niya. "Ah eh kasi napadami tong luto ko ng kare kare baka gusto mong tikman tong niluto ko." "Wow ako talaga naisip mo bigyan niyan?" Hindi siya prepared sa tanong ni Thor. "Ah si Joe dapat kaya lang umalis siya eh." Pagsisinungaling niya. Hindi ako makahinga ng lumapit siya sa akin, tinukod niya ang kamay niya sa mesa at inilapit ang mukha niya sa akin. "Alam mo bang favorite ko yang Kare kare." He whispered. "Ah talaga, galing ko naman. Sakto yung naluto ko." Nanghihina na sagot ko. "Bakit hindi mo ako tinitignan?." "Eh k-kasi naman magtwalya ka naman." Nahihiyang sagot niya. "Hindi ka ba sanay makakita ng ganito? Maganda naman katawan ko ah look may abs din ako." Pang aasar pa ni Thor. Tumayo ako at tumalikod sa kanya, baka kasi traydorin ako ng mga mata ko at talagang tignan ko siya. "Ah dalhin ko na tong ulam sa kusina ah sumunod ka na lang." Nagmamadali akong umalis narinig ko naman si Thor na tumawa ng mahina. "Cynthia baka pwede makahingi ng tubig." Aniya sa katulong ni Thor. "Sige mam, eto rin po tissue oh pinagpapawisan ka po." "Ah eh oo nga eh ang init kasi sa labas." Kaloka tong pawis ko hindi ko naramdaman, kainis kasi to si Thor eh nangaasar pa. "Cynthia matagal ka na ba dito?" Tanong ko sa kanya pagbalik niya. "Opo Mam mga 5years na din po, bihira naman po kasi may tao dito dati pag nagbabakasyon lang si Sir Thor or pag andito si Sir Bon." "Ah talaga, hmm may girlfriend ba si Thor?" Diretsang tanong ko. Hays hindi ko na na napigilan sarili ko itanong. "Hindi ko lang po sure wala naman po kasi siyang dinadalang babae dito yung palagi ah. Pag andito sila ng mga kaibigan niya may kasama siya minsan pero hindi ko na makikita yun after." Napangiti naman ako ng lihim. "Bakit mam ikaw po ba ang girlfriend niya?" "Naku hindi ah, boss ko din yun si Thor accountant ako don sa company nila. Just asking alam mo na baka may magalit." "Mukhang wala naman Mam never ko na siya nakita na may dinalang babae dito." "Buti naman, halika na ayusin na natin ang hapag kainan." Tinulungan ko si Cynthia mag ayos ng mga pagkain nagluto pala siya ng roasted chicken sakto to sa kare kare. "Wait lang mam may nagdodoorbell." Pag alis ni Cynthia siya namang dating ni Thor, naka white sando at short na ito. "Wow mukhang masarap tong luto mo ah." Puna ni Thor ng makita ang nakahain na kare kare. "Bro, makikikain ako punuan mga resto na gusto ko, may pagkain ka naman diyan diba?" Narinig kong nagsasalita si Bon sa di kalayuan. Napahawak naman ako ng mahigpit sa palda ko. Parang nararamdaman ko na tumutulo ang pawis sa gilid ng pisngi ko. "Oh hi Cham andito ka pala?" Ani Bon. "Ah hi Bon hello." Hindi mapakali na sagot niya. "Yes bro may pagkain ako dito dinalhan ako ni Cham ng kare kare." Ani Thor. "Wow favorite natin yan bro, buti nagdala ka Cham noon nakaraan pa ako nagcracrave nito." Tinabihan ako ni Bon. "Kainggit ah ang sweet mo pala." Bulong sa akin ni Bon. Dinaan ko na lang sa tawa ang sinabi ni Bon, ayaw ko sumagot baka marinig ni Thor. "Kain na tayo gutom na ako, niyaya kasi ako magfiring ni Mayor kanina." Nilagyan ni Bon ng pagkain si Cham sa plato nito. Tanging si Bon lang ang laging nagsasalita si Thor naman ay nakatingin lang kay Cham. "Sarap mo pala magluto Cham, sayang hindi ko matitikman na mga luto mo binasted mo na kasi ako, swerte ng lalaki na nagugustuhan mo. Maganda ka na, mabait, matalino masarap pa magluto, lahat na nasa iyo na. Ewan ko na lang kung hindi talaga mainlove sayo yung lalaki na yun." Nabulunan naman siya sa sinabi ni Bon agad naman siyang binigyan ng tubig ni Thor. Akala niya sasabihin ni Bon na si Thor ang gusto niya. "Okay ka lang?" Tanong ni Thor. "Yeah okay lang nabulunan lang ako sa pechay nalunok ko kc lahat." "Eto water pa." Si Bon nilagyan ng tubig ang baso ko. "Salamat ah." Habang umiinom siya ay napansin niya na nakatingin pa rin si Thor sa kanya. Pagkatapos nila kumain ay nagyaya pumunta si Bon sa gameroom. Namangha si Cham eto yung dating music room sa panaginip niya pero game room eto ngayon. Meron ditong billiard table, darts, ps4, table tennis, car race na arcade at motorcycle arcade, meron din shooting arcade. "Cham laro ka muna dito oh madali lang yan." Sinamahan ni Bon si Cham sa mga arcade. "Sige ako na bahala dito, salamat." Pumunta na si Bon kay Thor na nasa billiard table. "Bro anong pustahan" ani Bon kay Thor. "10k." Sagot ni Thor. "Ayaw ko ng pera." Tanggi ni Bon. "Huh eh ano?" Takang tanong ni Thor. "Pag natalo ka, lilipat mo sa akin si Cham don siya sa akin magtratrabaho." Napalunok naman si Thor sa sinabi nito, tinignan niya si Cham na nasa car race arcade. Nagtangis ang mga panga niya, magaling tong kuya niya sa bilyar. "Bakit ganyan naman ang pustahan bro? Yung motor ko na lang na matagal mo ng inaarbor yun na lang." Natawa naman si Bon at tinapik tapik ang balikat ng kapatid. "Don't tell me mas importante na si Cham sayo kesa sa streetfighter na motor mo?" "Hindi sa ganon, magaling na accountant si Cham mahirap maghanap ng iba pa." Mabilis na sagot niya. "Ang dami daming licensed cpa diyan bro, madali lang maghire." Pamimilit ni Bon. Napatingin ulit si Thor sa enjoy na enjoy na si Cham habang naglalaro. "Yung motor ko na lang kasi." Paguulit ni Thor. "Bakit natatakot ka bang matalo kita? At mawala sa paningin mo si Cham?" Pang aasar ni Bon. "Of course not, sige na payag na ako sa deal. " Napilitan na sagot ni Thor. "Galingan mo bro." Sabi ni Bon after niyang sumargo. "Yes i will, i will make sure i will win this time." May kumpyansang sagot naman ni Thor, saktong paglingon niya kay Cham ay nakatingin din ito sa kanya. Nginitian siya nito at ginantihan niya rin ito ng matamis na ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD