Jordan Three years ago "Anak, baka naman mayroon ka dyan kahit kaunting pera. May kailangan kasing bayaran si Liza para daw sa seminar nila sa Baguio. Pero kung wala ay ayos lang naman. Siguro, sa susunod na pasukan ay ilipat na lang natin sina Kate at Migz sa public school tutal ay nasa highschool pa lang naman sila. Hindi na natin kaya anak." Wika sa akin ni Mama Napabuntong hininga ako. Wala naman akong karapatang magreklamo dahil responsibilidad ko na rin ang aking mga kapatid simula ng magkaroon ako ng trabaho. Kinuha ko ang aking wallet at dumukot ng pera mula doon. Sa totoo lang ay huling pera ko na ang ibinigay ko sa kanya. Lahat ay ibibigay ko para lang sa pamilya ko. At ayokong malipat ang mga kapatid ko sa public school. Hindi ko naman sinasabi na hindi maganda ang mag-

