Jordan Three years ago... Paulit ulit na lang ang ikot ng buhay para sa akin. Trabaho. Bahay. Trabaho. Bahay. Mga bayarin! Naloloka na ako! Ang sideline lang na naisip ko ay ang pagsali sa mga pageant. Kahit, hindi ko maiuwe ang korona ay ayos lang. Basta may maiuweng pera, ay Pak! Masayang masaya na kami don! Kaya lang, hindi pa rin sasapat ang kinikita ko doon sa laki ng bayarin namin. At sa lahat ng dagok ng buhay kong ito ay laging nariyan ang bestfriend kong si Marian. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko sya nakikita. Ewan ko ba! Hindi ko matukoy kung ano ang nararamdaman kong ito! Basta, may kakaibang pintig yung puso ko kapag nakikita ko sya! s**t! Naiisip ko na naman ang haliparot oh! Ibinaba ako ng taxi na sinakyan ko sa mismong tapat ng bahay namin. Paglapag pa

