Marian Wala akong ibang mapagsabihan ng tungkol sa problema ko. Hindi na rin ako iniintindi ng bestfriend ko, o mas magandang sabihin na dating kaibigan. Wala na syang alam sa mga nangyayari sa buhay ko. Wala na rin akong alam sa mga nangyayari sa kanila. Ang alam ko lang ay nagsialisan na ang iba nyang mga kapatid sa bahay. Ang chismis lang na nakarating sa amin ay napakagulo daw ng pamilya nila ngayon. Ngunit kailanman ay hindi na ako nagtanong pa kay Jordan. Ni hindi ko nga sya kinakamusta. Ganun din sya sa akin. Kapag nasa Citel kami at saktong magkashift pa, ay never na kaming nag-usap. Kahit gustong gusto ko na syang kausapin-- at yakapin. Nilayuan na namin ang isa't-isa! Dahil sa katangahan kong maging parte si Chito ng buhay ko para lang sana pagselosin ang bakla, ay hinaha

