Jordan Hanggang ngayon ay hindi kami makapaniwala sa malaking balita na gumulat sa buong bansa nung isang linggo. Talagang may hangganan ang kasamaan. Wala na ang matapang na leader ng BuLeAg gang na s Buwitre! Pagkatapos kong isiwalat ang hideout ng grupo kay President Del Valle ay agad naman nya itong inaksyunan. Nahuli at napatay ng hanay ng kapulisan ang nanlabang si Buwitre! Masakit man isipin dahil naging bahagi na ng aming buhay si Brent, ay sisikapin na lamang naming magpatuloy sa buhay. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maaaring magwagi ang gawaing dyablo sa mundo. Sisikapin kong mamuhay ng matiwasay at lumayo na sa kasamaan. Isang umaga ng linggo, ay naisipan kong sumama sa aking pamilya upang magsimba. "Himala yata kuya? Magsisimba ka na?" Ani Kate Matagal na pana

