Jordan Halos manginig ang buong katawan ko dahil kaharap ko ngayon ang Presidente ng bansa. Ang matapang at puno ng pagmamahal para sa bayan na si President Frederick Del Valle. Isa sya sa tumutuligsa sa grupo namin. Ngunit sadyang magaling at mahirap hulihin ang BuLeAg Gang dahil karamihan din sa aming miyembro ay mga kapulisan. Kaya mas minabuti kong dumiretso ng sumbong sa pangulo dahil alam kong sya lang ang makakatulong sa akin! Isisiwalat ko sa kanya kung saan ang hideout para mapuksa na ang kasamaan ni Buwitre! "Ano ang nalalaman mo sa grupong BuLeAg gang? Isa ka ba sa kanila?" Matapang nyang tanong Lalo akong kinabahan sa mga tanong nya. Ano ang mangyayari sa akin kung aminin ko sa kanya na miyembro ako ng sindikatong kinamumuhian nya! Natatakot ako! Kailangan kong

