Marian Umiikot na ang aking paningin dahil sa dami ng alak na nilagok ko. Ang alam ko lang ay hindi ko mapigilang mapangiti. Masaya ako dahil kasama ko ngayon si Jordan. Walang makakapantay sa kaligayahang nararamdaman ko ngayon. Ang sarap uminom ng alak kasama si Jordan. Parang napakagaan lang ng buhay para sa akin kapag nariyan sya. At tungkol dun sa lalaking nakatayo kanina sa gilid ng puno na kinatatakutan ko, ay hindi ko na nasilayan pa. Tss! Biglang nawala ang takot ko sa lalaking iyon. Ngayon nya subukang lumabas at hindi ko talaga sya uurungan. Matapang ako kapag nadampian ng alak ang utak ko. Hindi ko na alintana na may nananakot sa buhay ko. Basta masaya ako, iyon ang importante sa akin ngayon. Paglingon ko kay Jordan ay nakasalampak na ang ulo nya sa mesa. Napailing ako!

