Marian Mas lalong kumalabog ang dibdib ko nang biglang may humawak sa balikat ko! Napaangat ito at bulto ng kaba at takot ang bumalot sa pagkatao ko! Katapusan ko na! "Haliparot ka! Ano yan??" Mas ikinagulat ko ang presensya ni Jordan na nakatayo sa likuran ko. Nakasuot sya ng beach shirt at shorts na syang nagpalabas sa natural nyang kagwapuhan. Sa sobrang gulat ko ay itinago ko ang nakakagimbal na note sa aking likuran. Kinuyom ko ang palad ko at hindi ko ito hinayaang makita o mabasa ng iba. Lalo na ni Jordan. Halos magkandabuhol buhol ang dila ko sa paghahanap ng idadahilan sa kanya. "Ah, a-ano kasi, wala naman toh! Ahhmm, Teka susunduin mo na ba ako? Hindi pa ako nakaayos. Magshower lang ako saglit." Pag-iiba ko ng kwento. Pero nakatingin sya sa mga kamay kong nakatag

