JASON POV Dahil sa narinig ko galing sa bibig ni Scarlet, hindi ko maiwasang maluha. Totoo nga talaga na kapag mahal mo ang isang tao, nagiging mababaw ang luha mo. Sa harap ng mga kaibigan namin ni Scarlet at ilang mga crew ng bar, walang atubili ko siyang hinalikan sa labi. Ito ang simbolo na okay na kaming dalawa. Kusa nang umalis sila Casey, Jared, at Carl upang bigyan kami ng space ni Scarlet sa aming pagdedate. Naupo kami sa harap ng isa't isa at dito ay muli kaming nag usap ng masinsinan. "Sobra kitang namiss kita Scarlet. Alam mo bang marami akong gustong sabihin sayo noong panahon na naiblock mo ko?" "Siguro naman alam mong kailangan ko rin ng personal space, diba? Bukod doon, mahigpit na pinagbawal ni Uncle Jordan na makipagkita sayo kaya sa oras na malaman niya ito, sigurad

