SCARLET POV Nang magsalubong ang paningin namin ng tatay Ronald ko, bigla siyang tumayo at niyakap ako ng mahigpit. "Finally, nagkita rin tayong dalawa Scarlet. Sobra kitang namiss, ang buong akala ko kanina, madadatnan kita rito sa Cabin." Napayakap ako kay dad habang nakatingin kay Uncle Jordan na nakangiti sa akin. Kumalas ako sa pagkakayakap kay dad at nag ngitian kaming dalawa. Napansin ko sa kanyang mukha na tumanda ito ng bahagya. Marahil ay sobrang stress na rin siya sa kakatrabaho sa ibang lugar kaya mas lalo ko siyang nirespeto. "Dad sorry po, nakipag bonding lang po ako sa mga kaibigan ko kaya bigla po akong umalis," pagsisinungaling ko kay Dad. "Naikwento sa akin ng Uncle mo ang kalokohang pinag gagawa ni Jason. Honestly, gusto ko siya noong una para sayo pero the fact

