Kinabukasan
Maagang nagising si Faith o mas tamang sabihing hindi siya nakatulog. Wala kasing ibang pwesto doon sa ward para sa mga bantay ng pasyenti kundi sa isang plastic na upoan lamang. Pero okay lang din naman iyon para kay Faith. Ang paghihirap niya ngayon ay wala pa siguro sa kalingkingan kumpara sa lola niya na ooperahan mamaya.
Mamayang alas 3 ng hapon ang schedule ng operasyon ng Lola niya. Parang siya pa ang kinakabahan para sa Lola niya, sana’y maging maayos at madali lang ang proseso ng opera, sa harap ng matanda ay hindi niya pinapakita ang kaba at pag-aalala.
Alam na din ng lola niya ang karamdaman nito at ipinaliwanag ng doctor kung bakit kailangan niyang operahan, mabuti na lamang at pumayag ito sa operasyon.
“Lola, pagkatapos ng operasyon mo at magaling na magaling ka na ay ipapasyal kita sa lahat ng gusto mong pasyalan”
“Naku apo! Parang nakakapagod iyon, maglalakad lang ba tayo?”
Natawa si Faith sa biro ng matanda.
“Hindi po. Of courage sasakay tayo! Saan mo ba gusto pumasyal?”
“Sa parke iha! Matagal-tagal na din akong di nakapasyal sa parke”
“Sige ho, tapos maglaro tayo doon. Kaya mo pa kayang mag slide? O kaya Lola mag lambitin sa Pole”
“Ay naku iha! Pagkatapos ng opera baka maging bata ulit ako, maghabulan tayo doon sa parke!”
At napuno ng halakhakan nila ang buong ward.
Wala talagang batong oras kapag si Lola Maria ang kasama at kausap mo.
At dumating na nga ang oras ng operasyon ni Lola Maria.
Hinahawakan ng mahigpit ng dalaga ang kamay ng Lola bago ito ipinasok sa Operating Room.
Isinakay na ito sa higaang may gulong para dalhin doon.
“Lola, huwag kayong kabahan ha, di iyan masakit, matutulog ka lang at pagka gising mo ay magaling ka na! Dito lang ako mag hihintay sa iyo”
Tumango ang matanda sa dalaga.
“Oo apo, babalik ako agad.” Sabi pa ng matanda.
Di maiwasang mapaluha ni Faith ng tuluyang ipasok na ang Lola sa kwarto.
“Sana po’y tulungan niyo ang Lola ko sa kanyang operasyon Panginoon!” Taimtim na dalangin ng dalaga.
Naupo na lamang siya sa waiting area at doon patuloy na nanalangin para sa kaligtasan ng kanyang pinakamamahal na Lola.
Kahit kulang sa tulog ay hindi siya inaantok kahit naka upo lang siya ngayon at walang ginagawa.
Nag desisyon siyang mag padala ulit ng mensahi kay Ced.
Pinicturan niya ang silid ng Operating Room at senend sa messenger at nagpadala ng mensahi pagkatapos.
“Hi mahal! ito ako ngayon nag-aantay sa labas ng Operating Room”
“Sana’y maging successful ang operasyon ni Lola, tulungan mo akong ipagdasal si Lola, Ced”
Napabuntong hininga si Faith. Napapaisip. Hindi nalang sana bumalik ng Amerika ng binata sana’y buhay pa ito ngayon.
Sana ay hindi siya nangungulila ngayon.
Sana ay may karamay siya ngayon.
Kung buhay ito ngayon, siguro ay nagpakasal na sila.
Siguro ay may sariling pamilya na sila ngayon.
Napapailing na lamang si Faith. Wala ng silbi ang mga sana niya ngayon. Noon ay marami siyang katanungan kung bakit nangyari ang ganito sa kanila, pero sa pagdaan ng panahon, unti-unti na rin niyang natatanggap subalit ang binata ay mananatili pa rin at nag iisa sa puso ng dalaga.
Napabaling ang tingin niya sa monitor na nasa itaas ng Operating room.
May isang oras na pala ang nakalipas ng pumasok si Lola sa loob. Hindi na niya namalayan ang oras.
“Kumusta na kaya si Lola?”
May isa’t kalahati pa sigurong oras ang hihintayin niya bago Matapos ang operasyon.
Minabuti na muna niyang bumaba at kukuha ng kape, wala pa siyang kain, wala naman din siyang ganang kumain.
Sasakay na lamang siya sa elevator pababa.
Pinindot na niya ang pindutan pababa sa ground Floor.
Hindi rin naman nag tagal at naroon na at bumukas na ang elevator.
Tutungo na lamang si Faith sa malapit na cafeteria at mag oorder ng kape at tinapay.
Mabilis lang siya dahil baka matapos ng maaga ang operasyon ng Lola niya.
Kaya pagkatapos makabili ay binitbit na niya ang mga pinamili at naglakad pabalik sa loob ng hospital.
Sasakay ulit siya sa elevator.
Marami-rami rin silang sakay sa elevator. Si Faith ang pinaka huling sumakay doon.
Pasara na ang pinto-an ng elevator ng May lalaking nagmamadaling makasakay pa nito. Nakita iyon ni Faith at dahil siya ang pinakamalapit sa pintuan ay madaling pinindot ni Faith ang open button upang bumukas ulit ang pinto.
Nakahabol naman ang lalaki at nakasakay pa.
Tumayo ito katabi ni Faith.
Ang tangkad ng lalaki. Yun ang unang napansin ni Faith.
“Maraming salamat Miss” anas nito.
Natigilan si Faith ng marinig ang boses.
Pamilyar ang boses ng lalaki.
Iwinaksi na lamang niya ang naiisip.
“Walang anuman” sabi niya na hindi na nag angat ng tingin.
Lingid sa kaalaman niyang minamasdan din siya ng maigi ng lalaki.
Ng makarating na ang elevator sa palapag kung saan ang operating room ay bumaba na si Faith ng elevator.
Hindi na siya tumingin ulit sa mga taong nandoon pa. Nag tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.
Sinundan na lamang siya ng tingin ng lalaki.