Matagumpay ang operasyon ni Lola Maria at naroon na sa recovery room ang matanda.
Nakahinga ng maluwag si Faith sa balita ng doctor.
Sa ngayon ay hindi na muna siya mag iisip nang kahit anong problema. Bahala na muna si Batman sa babayarin nila pagkatapos, mayaman naman si Batman eh. Biro pa ni Faith sa sarili niya. Pilit na pinapagaan ang saloobin.
Maya-maya pa ay nasa ward na ulit si Lola Maria.
Tulog ito ng dalhin doon. Minabuti na rin ni Faith na magpahinga siya, wala siyang gaanong kain at tulog dahil sa Pag aalala sa Lola niya.
Mayroon pang isang bakanting upo-an doon kaya doon na siya matutulog.
Ngunit maya-maya pa ay mayroong hospital staff na lumapit sa kanya.
“Miss pinapalipat ho kayo sa semi Private room. Narito kami para ilipat ang Lola mo doon”
“Ha? Sinong nagpapalipat sa amin? Baka hindi namin kaya ang bayarin sa kwarto doon, okay lang naman kami dito”
“Naku Miss! Utos po eh, malalagot ako kung sakali”
“Baka po sir, nagkakamali kayo ng pasyente?”
“Maria Torres 75 taong gulang ward B12 po ang pinapalipat Miss”
“Si lola nga po iyun, pero sino po ang nagpapalipat sa amin?”
“Hindi ko po alam Miss, nautusan lang po ako, pero kung gusto mo po ay tanungin niyo po ang billing Department parang alam nila kung sino po”
“Ah. Sige po”
“Ililipat na po namin ang pasyente ha!”
At agad na ngang inilipat ng mga attendant ng hospital ang Lola niya.
Takang-taka pa rin si Faith kung sino ang nagpapalipat sa kanila. Dapat niyang tanungin ang billing baka lumubo ang bayarin nila.
Malaki ang kwarto na nilipatan nila. Aircon at Para sa dalawahang pasyente iyon. May sariling CR may TV rin at telepono sa mesa. May mahabang sofa para sa kamag-anak ng pasyente na pupwede si Faith matulog doon.
Pero wala namang ibang pasyente doon si Lola lamang kaya solo nila ang silid.
Nag dial si Faith sa telepono at pinili ang billing.
Agad naman na may sumagot doon.
“Hello! Apo po ito ng pasyenteng si Maria Torres , maaari po bang mag tanong kung sino ang nagpalipat sa amin dito sa semi-private room?”
“Ah! Hindi po nagpakilala Miss, ang gusto lang pong ilagay ay anonymous. Basta ang sabi ay ilipat kayo at siya na ang bahala sa bayarin niyo. May nilagay na ngang paunang bayad kanina.”
“Babae ho ba ito o lalaki?”
“Lalaki ho Miss”
Lalong naguluhan si Faith. Wala naman siyang kakilalang lalaki na pupweding mag magandang loob sa kanila.
“Ah, okay po maam, salamat sa impormasyon”
At naputol na ang tawag.
Hindi alam ni Faith kung anong maramdaman, masisiyahan ba siya o matatakot.
Baka may ibang motibo kung sino man ang tumutulong sa kanila ngayon. Baka isa itong mayaman na kailangan ng heart transplant o kaya brain transplant at siya ang natitipuhan. Naku! Paano na lamang ang Lola niya kung sakali.
Magulo tuloy ang isipan ni Faith. Komportable sila dito lalo na ang Lola niya iyon na lamang ang iniisip ni Faith. Pero siya ay Hindi na makatulog muli.
Kinaumagahan, Nagtaka rin Ang Lola niya at pagkagising nito ay naroon sila sa mamahaling kwarto.
“Alam ko ho Lola, ako din ay nagtataka sinong tumutulong sa atin. Magtapat ka Lola, meron ka bang mayaman na manliligaw? Baka iyon ang palihim na tumutulong sa atin ha?”
Natawa naman ang matanda.
“Eh ikaw nga siguro ang mayroon apo! Ang Ganda-ganda mo kasi Baka isa sa mga manliligaw mo ang palihim na nagpapa-impress sa iyo?”
“Lola naman! alam mo namang hindi ako tumatanggap ng manliligaw hanggang ngayon. At tsaka wala naman sigurong ganoon karaming pera sa mga nagtangkang manligaw noon?”
“Bakit naman? Malay natin mayaman pala isa sa mga iyon, Hindi lang halata, at baka lihim lang na nagpapa pogi points”, anas pa ng lola Maria
Natawa si Faith.
“Iwan ko Lola. Ah, ang mahalaga ay komportable ka dito Lola. Bahala na iyong taong iyon kung Hindi siya magpapakilala”
Tumango-tango naman Ang Lola niya.
Maya-maya pa ay binisita sila ng doctor at Kinamusta si Lola, may nurse din na kumukuha ng vital signs ng Lola.
Pagkatapos maka-alis ng doctor at nurse ay dumating din ang mga pagkain at mga gamot na dapat inumin ng matanda na dala ng nurse.
Pinakain na muna niya ang kanyang lola bago inumin ang mga gamit nito.
“Lola, aalis ho ako mamaya pagkatapos mong kumain ha, dadaan ako ng billing Department para itanong ang babayaran natin, at tutungo na rin akong banko”, wika niya habang patuloy na sinusubuan ang lola.
“Siya sige iha! mag iingat ka sa lakad mo mamaya ha”.
“Upo lola!”
Mamaya-maya pa nga ay umalis na ang dalaga. Inihabilin na lamang niya sa mga nurse ang lola niya dahil wala itong bantay.
Binigyan din niya ang lola ng instruction kung sakaling kailangan nitong magbanyo at wala pa siya.
Una siyang nag tungo sa billing at nagtanong kung magkano na ang kanilang babayaran.
Agad naman nag check sa computer ang tagapamahala at nag printa ng kanilang bill statement.
At inasahan na nga ni Faith na lulubo ang bills nila pagkatapos ng opera.
Nasa lampas 100k na ito, at lulubo pa ito hanggang makalabas sila ng hospital.
Napabuntong hininga na lamang si Faith.
Kukulangin ang ipon nila sa banko. Kaya no choice siya at talagang sasadya siya sa mga pang gobernong opisina para manghingi ng tulong.
Ang problema niya ay walang magbabantay sa lola niya kapag aalis siya.
Iwinaksi na muna niya ang isipin at nagpuntang banko upang kuhanin ang pera.
Pagkatapos niya sa banko ay umuwi na muna siya saglit sa bahay upang kumuha pa ng iilang gamit nila, baka aabutin pa sila ng isang linggo doon sa hospital. Naligo na rin siya saglit bago bumalik ng hospital.