Mamaya-maya ay nasa hospital na si Faith.
Parang wala sa sariling naglakad siya patungong elevator upang bumalik sa kwarto ng lola niya.
May mga kasabayan rin siyang sumakay.
Hanggang napansin ni Faith na dalawa na lamang sila sa loob ng elevator at lumampas na siya sa kanyang dapat na palapag.
Nakita niyang nasa 8 floor na sila at patungo pa sa top floor ang elevator, naka highlight kasi ang numberong 12 doon.
Malalim talaga ang iniisip niya kaya hindi na niya napansing lumampas na siya.
Ngunit bago pa man niya mapindot ang button para buksan ang elevator ay biglang parang yumanig ang loob ng elevator bago huminto ito.
Muntik pa siyang matumba dahil sa lakas ng pag alog nito, mabuti na lamang at nahawakan siya ng lalaking kasama niya sa loob ng elevator.
“Sa-salamat!”, anas niya dito at napatingin siya sa lalaking hindi pa siya sa binibitawan.
At ganoon na lamang ang gulat niya ng makita ang mukha ng lalaki.
Malaki ang hawig ng lalaki sa yumao niyang boyfriend, kung hindi lang ito balbas sarado baka makapagkamalan pa niyang si Ced ito.
Pero para yata siyang napako sa kinatatayuan ngayon at nakanganga na lamang siya habang nakatitig sa lalaki.
Ganoon din naman ang lalaki sa kanya, nakatitig lang din ito sa mukha niya na animo’y na bato-balani.
Hindi na nila alintana ang nangyayari sa elevator na bigla nalang huminto at namatay.
Muling umalog ang sinasakyang elevator kaya nawalan ng balanse si Faith mabuti na lamang at maagap ang lalaki at nayakap siya nito.
Napasinghap tuloy si Faith. Naaamoy niya ang pabango ng lalaki. Hindi ito ang amoy ni Ced noon pero parang idinuduyan siya sa halimuyak ng pabango ng lalaki ngayon. Kaya napapikit siya.
“Would you like us to get a private room?”
Biglang natauhan si Faith ng marinig ang boses ng lalaki.
Bigla siyang tumayo ng tuwid at inilayo ang sarili sa lalaki.
Ano bang ibig sabihin ng lalaki?
“Anong ibig mong sabihin?”, tanong niya dito na hindi na gets ang sinabi ng lalaki.
“You fantasize me just now. If you want, I can get us a private room and we can continue with your desires”, anas ng lalaki.
Namula yata ang mukha ng babae sa narinig.
Hayop! napagkamalan pa siyang manyakis nito, ito naman ang naunang yumakap sa kanya.
“Excuse me Sir! hindi ako ganoong klasing babae no?”, malditang sagot niya dito.
Ngunit tinawanan lang siya ng lalaki.
“I can feel your desire and I can sense you want me, pagbibigyan sana kita”, anas pa ng lalaki sa nang-uuyam na tingin.
Tumaas yata ang BP niya sa narinig.
“Hindi ako ganoong tao Mr na sa kahit kanino lang pumapatol!”, bulyaw niya dito.
Kamukha ito ni Ced pero ang layo ng ugali. Baliw ata itong gagong ito.
“What if.. bayaran kita ng isang milyon para sa isang gabi? papayag ka ba?”, tanong nito na ang mata ay nasa hawak niyang papel.
Napansin pala nito ang papel na hawak pa rin niya, ang billing statement niya.
Napatingin siya ng diretso sa lalaki.
Seryoso naman ang mukha nito.
Akala ni Faith sa mga pelikula lang mangyayari ang ganitong indicent proposal.
Kung hindi lang ito kamukha ni Ced ay baka nasampal na niya ito. Pero iwan hindi niya magawang magalit sa proposal ng lalaking hindi kilala.
“I’ll gave you time to think”, at may dinukot ito sa wallet niya at binigay sa kanya ang isang business card, at siya namang pag bukas ng elevator, tumalikod na ang lalaki at iniwan siyang nakatulala pa rin.
Hindi pa ma process sa isipan ni Faith ang lahat na nangyayari ngayon.
Ni hindi nga niya napansin na umandar na pala muli ang elevator.
Minsan pa niyang sinulyapan ang labas ng elevator kung saan doon nagtungo ang lalaki.
Office of the Director yata ang nasa floor na iyon.
Dali-dali na niyang pinindot ang 5th floor button kung saan naroon ang room ng kanyang lola.
Kinuha niya ang card at binasa ang nakasulat doon.
Gregory Sebastian
CEO C&F Pharmaceutical
Nanginig yata ang kamay niya sa nabasa sa papel. Kamag-anak ba ito ni Ced? Kapatid kaya?
Magka apilyedo sila at magkamukha din.
Na curious tuloy siya sa lalaki. Matagal na niyang gustong maka-usap ang kung sino mang kapamilya ng yumaong nobyo pero niisa ay wala siyang nakilala.
Isang desisyon ang nabuo sa isipan ng dalaga.