I still can't get over to the incident that happened days ago. Hindi ko nailigtas ang lalaki sa kamatayan. Kung mabilis ko sanang nagawan ng paraan upang pigilan ang nakatakdang mangyari sa aking pangitain, hindi na sana nagluluksa ang pamilya niya ngayon. Napatingin ako sa isang batang babae, tingin ko ay anim na taong gulang pa lang siya. Nakatitig siya sa kabaong ng kanyang ama, ang kanyang ina naman ay humahagulgol sa tabi niya. Walang emosyon ang mukha ng bata ngunit alam kong batid niya ang nangyayari. Kahit walang emosyon ang kanyang mukha ay nakikita ko ang pagluluksa sa kanyang magagandang mata. Nawalan siya ng ama dahil sa akin. Dahil sa kapabayaan ko. Muling napuno ng pagsisisi ang aking puso. "Kalimutan mo na ang nangyari, hindi sa lahat ng oras ay magagawa mong pigilan ang

