Sunud-sunod ang balita tungkol sa mga nawawalang babae. Everyone is looking for the culprit, even me. Gusto kong mahuli ang may sala upang pagbayarin sa kanyang ginawa. Para mawala na ang sumpa ni Cozbi. Para matigil na ang paghihirap kong ito, I want to be at peace but the curse…the curse is blocking what is destined to happen.
Tinapon ko sa lupa at inapakan ang sigarilyo matapos hithitin. I'm so... Stressed-out. Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago umayos ng tayo. Nagpasya na lang akon bumalik sa aking opisina upang bumalik sa aking trabaho o kaya'y uubusin ko ang oras sa kakaisip ng mga bagay-bagay.
Fuck! Another stress. I sigh in desperation. I’ve been so uptight about everything.
Habang taas-noong naglalakad ay may napansin ako. Kulang ang tao sa information desk. Kaya imbes na magtungo sa opisina ay lumapit ako sa aking pakay. Marahan akong naglakad palapit sa front desk at isa-isang tiningnan ang nameplate ng aking mga empleyado.
I snapped twice to get the receptionist's attention. Mukhang nagulat siya ng makita ako kaya napatayo siya bigla at yumuko upang magbigay galang. Her face instantly paled upon seeing me, she must be nervous.
"M-miss!... H-how may I help you?" Nag-aalinlangang tanong niya habang naglilikot ang mga mata. Bakit ba sila kinakabahan tuwing kaharap ako? I’m not doing anything wrong to anyone, siguro kung wala ang sumpa marahil ay napaslang ko na ang kaharap ko.
Inayos ko ang suot kong shades at itinuro ang Information desk. "Where is the girl who always wears a dark red shade of lipstick?"
"Si Andina po, Miss? Hindi po siya nagreport ngayong araw, hindi ko po alam kung ang nangyari." Halatang pinipigilan niyang mautal habang sinasagot ang aking tanong. Pakiramdam ko’y biglang umakyat ang lahat ng aking dugo sa utak ko at nandidilim ang aking paningin dahil sa galit.
Hinampas ko nang malakas ang desk niya kaya napatalon siya sa gulat, natigil naman ang iba at palihim na lumilingon sa aming pwesto. "I abhor incompetent employees! Tell her to come this instant, or else... She's fired!" Nakita ko ang pamumutla niya nang sabihin ko iyon. Hindi ko na hinintay na sumagot siya, basta ko na lang siyang tinalikuran. Kusang umiiwas ang mga empleyado at walang kahit na sino ang nagtangkang humarang sa dinaraanan ko. Dahil naiinis ako nagpasya akong gamitin ang hagdan sa fire exit, para kapag narating ko ang floor ng opisina ko’y humapa ang aking nararamdaman. Subali’t sa kalagitnaan na ako pero wala pa ring nagbabago, mas lalo lamang akong naiinis.
Sinipa ko ang pinto ng aking opisina kaya nagulat si Ryan, lumipad pa sa ere ang ilang hawak niyang papel at nagkalat sa sahig. Natatarantang pinulot niya ang lahat at tumayo, nagmamadali siyang nagpunta sa pantry, tiyak akong gagawan niya ako ng kape na siyang lagi niyang ginagawa.
Hinilot ko ang aking sentido habang nagbibilang mula isang daan pababa sa isa upang humupa ang aking galit.
"Meow!" Napaupo ako ng maayos nang marinig ang tunog na 'yon. Hindi talaga ako tinatantanan ng mga masasamang espíritu. Sira na nga ang araw mo, mas lalo pa nilang sisirain. I really need a break!
"Meow!" I rolled my eyes before speaking. "Just show me yourself, doofus!" Naiiritang utos ko. I heard a little puffed sound then I heard a little voice.
"Being a human really sucks, everyone around you are irritating!" Saad niya habang sinasara ang pinto upang siguraduhing walang sinuman ang makakapasok sa aking opisina habang narito siya. He flapped his little wings as he closed the door.
"Iniwan mo ako sa bingit ng kamatayan kahapon," inis na sabi ko sa kanya. The little boy laughed out loud. Hinintay ko siyang matapos sa pagtawa, pinahid niya ang luhang namuo sa mata niya dahil sa kakatawa.
"Verge of death? Stop being hilarious, human. Death fears you," he laughed again before sitting on my table shamelessly, he even placed his feet on the chair.
"Ano ba ang kailangan mo?" Kalmadong tanong ko pero sa loob-loob ko’y pinipigilan kong sumabog sa inis. Kinakalma ko ang sarili ko dahil walang maidudulot sa akin kung magpapadala ako sa galit na aking nararamdaman.
"May alam akong paraan para maalis ang sumpa." Seryosong sabi niya kaya tinitigan ko ang mukha niya. Tinitimbang ko kung nagsasabi siya ng totoo. It seems like he is telling the truth, but the question is, should I trust him? Simula ng patawan ako ni Cozbi ng sumpa, nawalan na ako ng tiwala sa lahat—kahit sa mismong sarili ko. Pakiramdam ko’y wala akong magagawang tama.
Hinawakan niya ang kanyang pakpak at inalis ang sumabit na dahon. Nilagay niya ang dahon sa aking palad ngunit bago pa man lumapat sa aking balat ay bigla 'yong naglaho na parang isang bula. He’s doing some tricks.
"Think about it," bulong niya sa akin.
Hinawakan ko ang dibdib niya at marahang tinulak palayo. "Stop whispering in my ears, gawain 'yan ng demonyo."
Dahil sa sinabi ko ay tumawa siyang muli. "Well, I am a demon!" Mukhang proud pa siya. Tumayo ako habang malalim na nag-iisip. Gustong-gusto ko nang makawala sa sumpa ni Cozbi, but I think being cursed is safer than dealing with a demon. I won’t risk my life again, this is my last chance so I should do good deed to resent the sins that I’ve committed.
"Think carefully," ulit niya habang nakadapa sa aking mesa. Pinaglalaruan niya ang aking ballpen. Nanatili akong tahimik at nag-iisip kung tatanggapin ko ba ang alok niya. It’s tempting but I need to be careful, but what if he knows some way to remove the curse?
"Ano naman ang magagawa mo para alisin ang sumpa ni Cozbi?" Nanghahamon na tanong ko sa kanya. He smirked and flipped his wings as he formally sat down on my table.
"I can kill her," saad niya na parang wala lang. Para lang siyang humihingi sa isang bagay na batid niyang makukuha niya—sa kahit anong paraan, and that’s the scary thing about demons.
Huminga ako ng malalim at inalis siya sa aking mesa. "Umalis ka na," pagtataboy ko.
"Think about my offer, by the way. My name's Dolion, call me when you changed your mind." Bigla siyang naglaho sa aking harap. Saktong bumukas ang pinto ng aking opisina.
Pawisan na pumasok si Ryan habang bitbit ang aking kape. "Akala ko may nangyari na sa inyo, ilang beses ko kayong tinawag mukhang hindi niyo ako narinig. Hindi ko rin mabuksan ang pinto kahit na anong tulak ko." Pagkukwento niya, nilagay niya ang kape sa harap ko.
Agad na inubos ko ang kape. Si Ryan naman ay nakatulala sa akin. "M-mainit," sambit niya habang kinukuha ang tasang wala ng laman. Wala sa sariling tiningnan ko ang tasa, ngayon ko lang naramdaman ang init pero hindi naman napaso ang aking dila.
"Mainit ba?" Sarkastikong tanong ko, wala sa sariling tumango siya. I smirked in amusement and motioned him to leave me alone.
Niyakap ko ang aking sarili at muling napaisip. Mas lalo yatang sumakit ang ulo ko dahil sa offer ni Dolion. Bigla namang sumulpot si Cozbi sa harapan ko kaya naihampas ko ang aking palad sa noo ko.
"Oh please... Enough for this day," nagmamakaawang sabi ko habang ipinipikit ng mariin ang aking mata.
"Enough? What? Kakarating ko pa lang," nakasimangot na sabi niya habang naglalakad papunta sa isang upuan na nasa harap ko. Prenteng umupo siya habang pinagmamasdan ang suot niyang relo. Pinasadahan ko siya ng tingin, she’s wearing a blue romper matched with a pearl necklace.
"Bakit ka narito? Kung wala kang importanteng gagawin, umalis ka na. Stress na stress ako ngayon."
Ngumiti naman siya sa sinabi ko. "Your friend is in danger," anunsyo niya at biglang naglaho. Napatayo ako sa aking inuupuan at tumakbo palabas. Hindi ko na pinansin si Ryan na humahabol sa akin.
Isa lang ang tinutukoy niya at kilalang-kilala ko kung sino 'yon. Walang iba kundi si Cessair.
Mabilis na pinaharurot ko ang sasakyan ko sa bahay ni Cessair. Ngunit hindi ko siya naabutan doon, Luville said that he's in his office.
Ngunit alam ko kung ano ang ibig sabihin niya. Pumunta ako sa hideout upang tingnan kung nandoon si Cessair. Tahimik ang buong hideout kaya palihim na pumuslit ako sa loob ng silid niya. Nakita ko ang isang letter na nasa sahig.
Pinulot ko 'yon at binasa. Tumakbo ako pabalik sa aking kotse at muling pinasibad. Sana ay maabutan ko siya.
May pumasok na pangitain sa aking isipan, dahilan kaya muntik na akong mabangga.
"No... Not my friend," bulong ko at mas binilisan pa ang pagmamaneho. Hindi ako mapakali habang nagmamaneho kaya ilang beses akong muntikang mabangga.
Basta ko na lang iniwan ang kotse ko sa isang tabi nang marating ko ang lugar. I snapped my fingers and a dagger appeared in my palm. Binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa makarinig ako ng putukang galing sa loob ng bodega. He must be on his mission. I hope that he’s safe, I can’t afford to lose him.
Habang tumatakbo’y may ligaw na bala pang muntik tumama sa akin. Buti na lang at naiwasan ko. I strangled the man who's hiding behind the bushes but I made sure that he’s just unconscious not dead.
Iniwasan ko ang umuulan na mga bala hanggang sa makita ko si Cessair. Nagtatago siya sa isang malaking bato, napansin ko rin na may tama siya sa tiyan.
Biglang nandilim ang paningin ko dahil sa aking nakita. Tumayo ako at tumakbo papasok, sinaksak ko ang bawat nakakasalubong ko habang umiiwas sa mga bala.
Napansin ko ang isang lalaking nakatutok ang hawak na rifle kay Cessair, hinarang ko ang isang bala na tatama sana sa dibdib ni Cessair. Dahil sa ginawa ko ay napaluhod ako habang hawak ang parteng natamaan ng bala. Mukhang napansin ni Cessair ang ginawa ko kaya sinalo niya ako bago pa man ako matumba.
"You are safe now," bulong ko. Niyakap ko siya at hinayaan na tumama ang bala sa aking katawan.
I breathe deeply to endure the pain. Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap kay Cessair hanggang sa tumigil ang kalaban sa pagbaril.
"Baliw ka ba?! Bakit mo hinarang ang mga bala?!" Galit na sigaw niya. Dumura ako ng dugo saka pinunasan ang gilid ng aking labi.
"Just thanked me because I saved your life," hindi ko mapigilang mainis. Bakit kasi sinisigawan niya ako. Nagpalinga-linga siya sa paligid upang masiguro kung ligtas na ang lugar.
Walang pasabi na binuhat niya ako at ipinasok sa loob ng kanyang kotse. Mabilis siyang nagmaneho paalis sa lugar na ito. Nanlalabo na ang aking paningin ngunit alam ko kung saan niya ako dadalhin, sa bahay niya.
"Hold on, malapit na tayo." There’s a hint if urgency in his voice that made me happy. I smiled before closing my eyes, somehow he still cared for me.
Napansin kong nawalan ng malay ang babaeng nasa tabi ko kaya nakaramdam ako ng pagkataranta. Kasalanan ko pa kung may mangyayari sa kanyang masama.
"s**t!" Pagmumura ko at inapakan ang gas. Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho hanggang marating ang aking bahay. Dahil sarado ang malaking gate ay basta ko na lang binangga ang ito para tuluyan akong makapasok.
"Luville! Kunin mo ang gamit ko!" Sigaw ko sa aking katiwala habang tinitigil ang sasakyan. Binuksan ko ang pinto ng kotse upang buhatin ang estrangherang babae. Nagmamadali na tumakbo si Luville nang maisip kung ano ang nangyayari, pumasok siya sa upang kunin ang first aid kit.
Dinala ko ang babae sa aking silid. Hindi ko alam kung bakit ako nag-aalala para sa kalagayan niya. Ang gusto ko lang ay mailigtas siya, batid kong maraming bala ang tumama sa kanyang katawan.
Hiniga ko siya sa aking kama at idinapa. Sinira ko ang suot niyang damit, napansin ko kaagad ang anim na gunshot wounds.
"f**k! This is bad!" Tumakbo ako sa loob ng CR at hinugasan ang kamay ko.
"Sir!" Sigaw ni Luville habang tumatakbo. Nilagay niya ang gamit sa side table at hinanda. Mabilis din siyang naghugas ng kamay at kumuha ng 'di kalakihang palanggana, nilagyan niya iyon ng maligamgam na tubig at hinugasan ang mga gagamitin ko sa pagkuha ng bala.
Sinuot ko ang gloves at sinimulan ang pagkuha sa mga bala sa likod ng babae.