Chapter 8

1868 Words
"Marami ang dugong nawala sa kanya. Mukhang kailangan natin siyang dalhin sa hospital. Baka mamatay siya kapag hindi naagapan," suhestiyon ni Luville. Masuyong pinupunasan niya ang mukha ng babaeng estranghera, kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Para bang matagal na niyang kilala ang babae kaya gano’n na lang ang kanyang nararamdaman. Nakatayo ako sa isang sulok habang pinagmamasdan ang kabuuan ng babaeng dinala ko rito sa aking silid. Pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kilala sapagkat meron siyang puwang sa aking puso. Nang makita ko ang dami nang natamo niyang tama ay sobrang nag-alala ako. Hindi ako mapakali, nataranta ako. I felt like I’m going to lose her if I didn’t do something, good thing I have a medical background. Ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Hindi dapat ako mahumaling sa isang estranghera, because I believe that she’ll be coming back. I’m just going to wait for that day. "Hindi ba natin siya dadalhin sa hospital? Namumutla na siya. Baka bawian siya ng buhay," nabakasan ko ng takot ang boses ni Luville. Napansin kong pinapakiramdaman niya ang pulso ng babae. "Hindi, mamaya lang ay magigising na siyang muli." "Ngunit—" itinaas ko ang aking palad upang patigilin siya sa pagsasalita. I won’t let something bad to happen to her. "Kunin mo ang ilang dokumento sa aking opisina, dalhin mo rito. Ako na ang magbabantay sa babae." Utos ko na agad niyang sinunod. Inayos niya ang mga nagkalat na gamit bago naglakad paalis. Nang makalabas siya sa aking silid ay nagtungo ako sa tabi ng babae, nanatili akong nakatayo habang nakayuko at pinagmamasdan siya. Tinitigan ko ang mukha niya ng maigi, pamilyar talaga sa akin ang kanyang wangis. Parang nagkita na kami. Ngunit hindi ko alam kung saan ko siya nakita. Hindi ko napigilan ang sarili kong haplusin ang kanyang pisngi. "Have we meet before? Why did you save me?" Alam ko naman na hindi siya sasagot sa mga katangungan ko. I heaved a sigh, open your eyes. I begged in the back of my mind. I stared at her for another minute before straightening up. I put my hands inside my pocket and just watched her sleeping peacefully. Suddenly, I remember the day I first met her. Tinawag niya akong pighati, iisang tao lang ang tumatawag ng pangalang iyon sa akin. Imposible rin na siya 'yon dahil matagal na siyang patay. Ilang buwan na ang nakakalipas, pero may isang parte ng puso kong umaasa na sana ay bumalik siya. Dahil alam ko mismo sa sarili kong hindi ko pa rin natatanggap ang kanyang biglaang pagkamatay. If I didn’t forced her to come with me on that day, maybe she’s still here with me. Naalala ko ang ginawa kong pagsaksak sa kanya. Sa kabila ng ginawa ko ay nagawa niya pa rin akong iligtas. Kung hindi niya hinarang ang mga bala, tiyak akong pinaglalamayan na ako ngayon. Mabilis akong lumayo nang marinig ko ang mahina niyang pag-ungol. Nagkakamalay na siya. I feel agitated but I remained standing and just waited for her to open her eyes. "Cessair..." Mahina niyang sambit sa pangalan ko. Kahit sa iyong panaginip ay hinahanap mo ako. Napangiti naman ako, hindi ko alam pero may lumukob na saya sa aking puso. Gusto kong hawakan ang kamay niya para iparamdam na narito lang ako. Subali't hindi ko ginawa, hinayaan ko siyang magmalay muli. Hinahapong napabalikwas siya sa higaan at napansin kong natataranta siya. Hawak niya ang kanyang dibdib habang paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ko, she’s teary eyed and shaking because of anxiousness. "Narito ako," pagkuha ko sa kanyang pansin. Binalingan niya ako, gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang kanyang mata. She has a mismatched eye color. The other one is red and the other one is blue. So fascinating to watch, it hypnotizes me, even her eyes it felt familiar. I feel like I’m home. Bumalik ang aking katinuan nang lumambitin siya sa leeg ko. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya, tulad nang una. Parang ang tagal naming hindi nagkita sa inaakto niya. Hinawakan ko ang magkabila niyang braso at marahang inalis sa pagkakayakap sa akin. I’m comfortable with physical touch but I can’t let her stay close to me. "I'm sorry, nabigla lang ako. You're safe, I'm glad you are safe. I saved you," naiiyak na sabi niya habang sinusuri niya ang kabuuan ko. She slowly glanced at me. Again... I'm bedazzled by the beauty of her eyes. It’s enchanting me, I can look at it for the rest of my life, but I noticed the agony in the depths of her eyes. "Pwede ko bang hawakan ang mukha mo? Kahit sandali lang," malungkot na sabi niya. A lone tear escaped her eyes. She's in pain and I don't know why. Napuno ng lungkot ang maganda niyang mukha. Hindi ako sumagot, hinayaan ko siya na gawin ang kanyang nais. She lifted her left hand and touched my cheeks gently. Tuluyan siyang naiyak habang hinahaplos ang aking pisngi, pababa sa aking leeg. Parang hindi siya makapaniwalang nahahawakan niya ako. "It's been a long time... I missed you..." Bulong niya, parang may sumuntok sa aking dibdib. Nahahabag ako habang nakatitig sa kanya. Hindi ko siya kayang makitang umiiyak. Hinila ko siya at niyakap ko nang mahigpit. This will be the last. Umiiyak ako sa kanyang dibdib. Hindi ko mapigilan ang aking emosyon. He hugged me tighter, f*ck! I missed this, the feeling of being cradled by him. Cessair, you don’t know how happy I am. I feel safe and it feels like I’m being protected. "Hush... D-don't cry..." Bulong niya. Sapat na sa akin 'yon. Kahit sa kaunting pagkakataon. "Sir! Nandi— ay!" Bumitaw ako sa pagkakayakap niya nang biglang pumasok si Luville. Pinunasan ko ang aking luha habang iniiwasan ang tingin ni Luville. Narinig ko siyang tumikhim ng ilang beses. I know it’s awkward to see your boss hugging some stranger. "Magpahinga ka muna," masungit na bilin ni Cessair. Tinalikuran niya ako at naglakad palapit kay Luville upang kunin ang mga papel na hawak ng huli. Marahang umupo ako sa kanyang higaan. Tahimik na pinagmasdan ko siyang magtrabaho. Kahit isang beses ay hindi niya ako nilingon, upang tanungin kung maayos lang ba ako. I breathe deeply to lessen the burden in my chest. I’m ecstatic but tormented at the same time. He's too close but too far away. I can't even touch him. The thought saddened me even more. Napansin ko ang paghikab niya. Alam ko ilang sandali na lang ay makakatulog siya. Hindi ako nagkamali, nag-unat siya ng braso bago humiga sa desk niya. Naghintay ako nang ilang sandali bago tumayo saka naglakad sa kanyang tabi. Hinaplos ko ang kanyang pisngi, inalis ko ang buhok na tumatabing sa kanyang mukha. Yumuko ako upang bigyan ng masuyong halik ang kanyang noo. Isa ito sa bagay na matagal ko ng nais gawin. Lagi kitang babantayan, Cessair. Hindi ko hahayaan na mapahamak ka. I will save you... Like you always do. I kissed him again for the last time before distancing myself from him. "Nandito ka lang pala," sabi ni Cozbi na lumitaw sa likuran ko. Nakahiga siya sa higaan ni Cessair kaya tiningnan ko siya ng masama. "Umalis ka jan!" I gritted my teeth. Ako lang ang dapat na mahiga jan. Possessiveness is eating me. "You're jealous," nakangising sabi niya nang mapuna niyang nagngingitngit ang aking kalooban. Umiwas ako ng tingin at tinalikuran siya. "Ano nanaman?" Pagod na tanong ko sa kanya. She giggled and clapped her hand. "Are you tired of your situation?" There's no point in denying. I want my best friend to remember me. "Tanggalin mo na ang sumpa... Nakikiusap ako," pagmamaka-awa ko sa kanya. Gusto kong bumalik sa dati ang lahat, babaguhin ko na ang maling ginawa ko. I don’t deserve this pain, I want a normal life, I want to be normal…free from anything that will only cause me pain. Mala-demonyo siyang humalakhak hanggang sa sumigaw siya. Malakas na humangin sa loob ng kwarto at nasara ang mga bintana. "Beg, Morana! Beg for your death! But even death can’t save you from the curse.” A unfamiliar emotion crossed from her eyes for a second. Nagtitigan kaming dalawa, walang emosyon ang mga mata niya pero batid kong nagagalit siya. Napupuno rin ng galit ang dibdib ko. Sa tingin ko ay sapat na ang panahong ginugol ko upang pagsisihan ang aking mga kasalanan. "Alisin mo na ang sumpa mo. I don't want to be cursed!" "No power on earth can undo the curse bestowed on you. Endure the pain and all the consequences of your actions, that's what you get for killing the innocent people." Galit niyang saad ngunit hindi iyon ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon. Basta na lamang niya akong iniwan. I gripped the hem of the shirt that I'm wearing. What can I do to undo the curse? I want everything to come back to normal. I don't want this kind of life! I want Cessair to remember me. Then a certain name crossed my mind. Dolion. I should find him to accept his offer but I stopped myself, I'm having a second thoughts. I can sense that I'm going to put myself in danger if I ask him for a favor. I am just going to think for alternatives to undo the curse. Malakas kong sinipa ang mesang nasa aking harapan dahilan upang mabali at mawasak ito. Napupuno ng paninibugho ang aking utak. Bakit hindi ko manlang makuha ang aking inaasam? "Tigilan mo nga ang pagsira sa mga gamit mo," saway niya nang makita ang aking ginagawa. I slammed my hands on the wall creating a hole. "Bakit hindi mo na lang aminin sa kanya ang lahat? Bakit ba kailangan mo pang itago ang buong katotohanan sa kanya? Pinapahirapan mo lang ang iyong sarili." I closed my eyes and punched the wall several times, I letting out my frustrations. "Show her what you feel, don't hide it.” She said before vanishing in the thin air. How can I show her who I am? She will loathe me even more, she will think that I manipulated her life for my gain. I don’t want her to feel that way. “He’s in pain, I can see it. It sucks loving the person who can’t love you.” I chortled merrily while staring at the mirror. “Mukhang nag-iisip na siya kung tatanggapin ba ang alok ko. She’s the only way for you to get what you want, but I didn’t expect her to stubborn.” Nakikinig lang ako sa sinasabi niya sa aking likuran, alam kong darating ang araw na siya mismo ang kakawala sa sumpa upang bumalik sa nakaraan. I’ll make sure that it’ll happen. Nakangising naglakad ako palapit sa aking kama, umupo ako sa dulo habang hinihintay na iabot niya ang inumin. Lumitaw sa ere ang center table at nanatili sa aking harapan. Nilapag niya ang isang bote ng rum at dalawang old fashioned glass. He open the bottle and poured an enough amount to the glass before handing over to me. “Cheers!” he shouted before clinking our glasses. I am smirking while sipping the liquor, I must move now for my plans to be successful.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD