Nagpasya akong umalis bago pa man magising si Cessair. I know he doesn't remember me, I don't want to give him a confusion. Sapat na sa akin ang mailigtas siya sa kapahamakan. I promised to keep him safe all the time and I’m going to use the curse to save everyone who needs help.
I tiptoed towards him then touched his face gently and gave him a kiss on his forehead before vanishing into thin air.
Nakita ko ang gulat sa mukha ni Sphynx sa biglaan kong paglitaw sa kanyang harapan. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Her forehead creased upon seeing the clothes that I'm wearing.
"Kaninong damit 'yan? Paano mo nagawang lumitaw?" Naguguluhang tanong niya. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat saka marahang inupo sa couch. Nakatayo lang siya sa aking harapan at hinihintay na sagutin ko ang kanyang tanong.
"Hindi ko alam. Suriin mo ang sugat sa aking likuran," mahinahong utos ko. She was about to ripped the clothes that I'm wearing when I stopped her. "Don't," I whispered softly. Hinawakan ko ang dulo ng aking suot at hinila pataas para mahubad. Hindi ko gustong sirain niya ang damit na pinahiram ni Cessair sa akin.
I heard her gasped. "Bull— what the hell happened to your back?! Bakit ang dami mong sugat? Bumalik ka sa nakaraan at niligtas si Dr. Jose Rizal?" Sarkastikong tanong niya. She pressed my wound lightly, "F*ck! It hurts!" Hindi mapigilang sigaw ko dahil sa sakit. Kinagat ko ang aking dila habang pinipigilan ang sarili kong muling mapasigaw.
Natawa siya ng mahina. "Music to my ears," humahagikhik na bulong niya. Heartless evil! I glared at her but she just shrugged her shoulders before getting the medicine to cure my wounds.
Ginamot niya ang aking sugat. Batid kong ginamitan niya 'yon ng kakayahan niya kaya nawala ang pagkirot, batid kong tuluyan na ring naghilom ang bakas ng aking mga sugat. Good thing she has knowledge about medicines even if it’s modern now.
"Thanks!" Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Tumatakbong pumanhik ako patungo sa aking silid. I go straight inside my walk-in closet. Changed my clothes into a white silky two piece dress. I wore my red five inches tall m*******e flatform shoes.
Naglagay ako ng maroon matte lipstick and dark eyeshadow. Ngumisi ako at hinayaang nakalugay ang aking mahabang buhok. Hindi na ako nag-abalang tingnan ang sarili ko sa salamin. I don’t want to see the monster that I’m hiding.
"Saan ka naman pupunta?" Tanong ni Sphynx nang madatnan niya akong nag-aayos. May dala siyang tray na naglalaman ng tasang may lamang tsaa.
"I gotta go save some asses," sagot ko sa kanya. Kinuha ko ang maliit na puting purse bago umalis. Muli siyang nagsalita kaya pansamantala akong tumigil upang pakinggan siya.
"Have fun and stop chasing death. You don't know what he has been through all his life," mahina niyang sabi. Hindi ko na pinansin ang ilan sa binitawan niyang salita, nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa harap ng aking bintana.
Tinalon ko ang bintana upang mabilis na makarating sa garaje. Ginamit ko ang aking Triumph Bobber TFC na motorsiklo para maging matiwasay ang aking byahe. Mabilis ko itong pinaharurot hanggang sa marating ko ang lugar na nakita ko sa aking pangitain. Inalis ko ang helmet kong suot at pinagmasdan ang buong paligid.
Kahit nasa labas ako ay ramdam na ramdam ko ang bigat ng aura na aking nararamdaman. There's something in this area. Katulad nang nararamdaman ko sa tuwing makakaharap ko sila Cozbi, ngunit delikado ang isang 'to. He’s more wicked and dangerous.
I snapped twice before putting a sweet smile on my face. I slowly entered the big old ancestral house.
Habang papalapit ay mas lalong lumalala ang masamang pakiramdam ko. I knocked the door thrice. Naghintay ako ng ilang sandali. Lumabas ang isang babae na namumutla at pagod na pagod. Halatang pinapahirapan siya ng nilalang na narito ngayon.
"M-miss M?!" Gulat na sambit niya nang makita ako. Agad kong nakilala ang kanyang mukha, she’s Andina—one of my employee. Ngayon ay alam ko na ang rason kaya hindi siya pumapasok. She must be having a hard time.
"Can I come in? I want to talk to you." Niluwagan niya ang pinto at hinayaan akong makapasok. I secretly scan the whole room to search for the spirit that’s lurking in her house.
"A-ano po ang m-maipaglilingkod k-ko?" Nauutal niyang tanong dahil sa kaba. Tumayo ako sa harap ng ilang picture frames.
"Can you make me a coffee?" I asked her politely. Narinig ko ang yabag niya patungo sa kusina.
"You jerk!" Singhal ko habang nakatitig sa picture frame.
"Come out this instant! You're pestering her!" Naiinis na sabi ko. Nagbago ang anyo ng picture frame at may lumabas na itim na usok. Nabuo iyon sa aking harap at naging isang imahe ng lalaki.
He has a red, bulging eyes. May malaking ngisi sa kanyang labi. Mas lalong lumakas ang negatibong enerhiya sa buong paligid.
"Leave her alone," mahinahong utos ko sa elementong nasa harap ko. Tahimik siyang nakatitig sa akin. Nabigla ako ng may lumipad na kutsilyo sa aking harapan. Buti na lamang at mabilis akong nakaiwas, dahil kung hindi ay nasaksak ako ng wala sa oras.
"Stop using her!" Galit na sigaw ko. Iniwasan ko ang kutsilyong binabato ni Andina. Blangko ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Patuloy siya sa pagbato ng matatalim na bagay upang tamaan ako. Minamanipula ng espiritu ang katawan ni Andina upang saktan ako—upang paslangin ako.
I snapped my fingers and a pistol appeared in my hands. Tinutok ko ang baril sa mga frame at pinaputukan hanggang sa masira ang lahat. Hindi ko alam kung bakit napili niyang magtago sa mga picture frames, pero mas maigi na iyon kesa sumanib siya sa katawan ni Andina.
Nawalan ng malay si Andina, kasabay ng pagkawala ng elemento. Mabilis siyang nasalo ni Cozbi—na biglang sumulpot galing sa kung saan. Good thing she’s here.
"Take care of her," utos niya sa akin. Tumakbo ako palapit kay Andina. I cradled her head in my arms and slowly tapped her cheeks to wake her up but she hasn’t gain her consciousness.
Cozbi lifted her arms while flapping her wings. Napansin kong may sugat siya sa kanyang tagiliran. Nakipaglaban ba siya bago magpunta rito?
"May sugat ka," may pag-aalalang sambit ko ngunit hindi niya ako pinansin. Nilabas niya ang kanyang látigo saka hinampas ang elementong biglang lumitaw sa harapan niya.
"Sa likod mo!" Sigaw ko upang bigyan siya ng babala. Ngunit nahuli siya sa pagkilos, nakalmot siya dahilan upang masugatan ang kanyang balikat, tumilapon rin ang hawak niyang latigo. Gumewang si Cozbi habang hawak ang kanyang sugat. Hinilom niya ang kanyang sugat pero hindi sapat ang kanyang kapangyarihan.
Muling lumitaw ang elemento. Bago pa man niya masaktang muli si Cozbi ay gumawa na ako ng paraan. Kinuha ko ang latigong pagmamay-ari ni Cozbi at walang awa na hinampas ang lumitaw sa aking harap. Buti na lang at natamaan. I smirked and hit him again, atrociously. “Die! And don’t ever come back again!” I shouted in anger.
He screamed in pain and it's the first time that I am loving the scream full of agony. Music to my ears... And it's very satisfying. I stopped myself from smiling and continued to hit him.
Tuluyan nang naglaho ang masamang elemento kasabay ng mga negatibong enerhiya. Binitawan ko ang latigo sa isang tabi saka mabilis kong nilapitan si Cozbi upang tulungan ngunit pinalis niya ang aking kamay. Hindi naman kalakasan pero nagulat ako dahil ito ang unang pagkakataon na ginawa niya akong itulak.
"I don't need your help," she said in an icy, cold voice.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin. "Are you mad at me?" I curiously asked her.
But instead of answering, she stood up. She touched her wings before glancing at me, over her shoulder. "This will be the last time that I'm saving you." Iyon ang huli niyang sinabi bago muling naglaho sa aking harapan. Hindi ko alam kung bakit nasaktan ako sa sinabi niya.
Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na pigilan siya dahil unti-unti nang nagkakamalay si Andina. Ibinaling ko ang tingin sa kanya, namumutla pa ang kanyang mukha.
"M-miss? Ano p-po ang nangyari?" Nanghihinang tanong niya habang tinutukod ang kanang kamay sa sahig para mabalanse ang kanyang katawan.
"You lost consciousness. Maayos lang ba ang pakiramdam mo?" Kunwa'y nag-aalalang tanong ko.
Tumango siya ng dalawang beses. Hinawakan ko ang kaliwa niyang braso saka siya inalalayang tumayo at maglakad papunta sa pinakamalapit na monoblock chair. Kumuha ako ng isang basong tubig sa kusina at inabot sa kanya.
Para naman siyang nakakita ng multo dahil sa inakto ko. Inabot ko ang baso na agad naman niyang tinanggap. Nilaghok niya ang tubig at hinahapong pinatong ang basong walang laman sa mesa.
"Kapag maayos na ang pakiramdam mo, bumalik ka kaagad sa trabaho." Bilin ko sa kanya. I keep on staring at her, making sure that she’s already feeling well.
"Pasensya na ho, Miss. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit tinatamad akong gumalaw. Hanggang sa tuluyan na akong magkasakit." Itinuloy niya ang pagsasalaysay ng kanyang kwento, at iisa lang ang pumasok sa isipan ko.
The reason why she's being sick is because of the spirit of Sloth (Tardiness) it's possessing her body. The spirit is taking her energy as a food.
Nagpaalam na ako sa kanya. Nangako naman si Andina na papasok siya kinabukasan.
Nagtungo ako sa aking opisina. Tulad nang dati, sa tuwing dadaan ako ay maririnig ko silang nagbubulungan.
They're gossiping that I'm the Devil in white dress, which is certainly rubbish.
I'm a good person, well, not that good. Every good person is hiding an evil inside.
Napatalon ako sa gulat nang makitang paika-ikang naglalakad si Cozbi papasok sa aking silid. Hawak niya ang kanyang tagiliran at hinang-hina. Batid kong may iniinda siyang sakit. Mabilis ko siyang inalalayan at iniupo sa aking higaan.
“Anong nangyari sayo?” puno ng pag-aalalang tanong ko. Inalis ko ang kamay niyang nakatakip sa kanyang tagiliran at gano’n na lang ang gulat ko ng mapansing malalim ang kanyang saksak. Hindi rin iyon basta-bastang maghihilom sapagkat may lason ang ginamit na patalim. Nangingitim ang paligid ng kanyang sugat at parang sinusunog.
“Sino ang may gawa nito?” tanong ko sa kanya pero nakatitig lang siya sa kawalan at malalim ang iniisip. Naiiling na tumayo ako para kunin ang aking kagamitan sa paglilinis at gamot sa sugat. “Ano ba ang pumasok sa utak niyo ni Morana at mukhang nakikipagpaligsahan kayo sa kamatayan?” Tanong ko pero wala akong nakuhang sagot. Nanatili siyang nakatulala kaya napahinga ako ng malalim.
Ginamot ko ang kanyang sugat at ginamit ang aking kakayahan upang tuluyan itong maghilom. “Magpahinga ka muna, gagawa lang ako ng gamot upang hindi kumalat ang lason sa iyong katawan.” Niligpit ko ang aking mga gamit at akmang tatayo para umalis pero narinig ko siyang magsalita.
“He’s back, I saw him.” Natigilan ako sa aking pwesto, alam ko kung sino ang kanyang tinutukoy. Iisang nilalang lang ang may kakayahang saktan si Cozbi.
“Siya ba ang may gawa nito?” Cozbi slowly nodded her head and I saw a lone tear escaped from her eyes.
“I’m afraid, not for myself but for you and Morana. Alam kong gagamitin niya kayo para makuha ang gusto niya.”
I tapped her shoulder to console her that nothing’s gonna happen to both of us. “Mag-iingat ako para hindi ka mag-alala, Cozbi.” She remained silent so I left the room.
“Nasaksak mo siya gamit ang patalim mong may lason?” nakangising tumango ako habang pinapakita sa kanya ang punyal na aking ginamit, mas bakas pa ito ng dugo. Kinuha niya sa akin ang punyal at inamoy ang dugo.
“Paano mo nalaman?” makahulugang tanong niya sa akin. I smirked and showed him girl that I’ve been spying, “because of her.”