"Then you won't have the chance to know the truth." Ilang minuto na ang makalipas mula nang sambitin ni Devland ang katagang 'yon. Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang kanyang boses sa aking utak. Truth... What kind of truth do I need to know? Batid kong may ibig sabihin ang binitawan niyang salita at iyon ang dapat kong alamin. Inalis ko ang lahat ng bumabagabag sa aking isipan habang naglalakad palapit sa aking work table. Dala ko ang iniwan niyang envelope. Binuksan ko 'yon at isa-isang pinagmasdan ang bawat litrato ng mga biktima ng tinaguriang Phantom Killer. Nag-igting ang aking panga at naikuyom ko ang kaliwa kong palad dahil sa galit nang makita ang walang buhay na katawan ni Abella sa litrato. Hindi ko pa rin nahuhuli ang pumapatay sa kanya. Sa mga oras na ito ay masaya

