Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng mga salitang binitawan ng matandang lalaki. Sinabi niya sa'king makikita ko na ang lalaking umiibig sa akin. Sino sa kanilang dalawa ni Devland at Cessair ang lalaking tinutukoy niya? Pumasok sa isipan ko si Devland, sinabi niya sa aking liligawan niya ako ngunit hindi ako sigurado sa nararamdaman niya. There’s a part of me saying that he have hidden agenda, like his intentions to me aren’t pure. May isang parte naman sa utak kong umaasa na baka si Cessair ang tinutukoy ng matanda. Ngunit batid kong si Abella ang nilalaman ng kanyang puso. It’s impossible for him to fall for someone like me. Pinilig ko ang aking ulo upang mawala ang mga tumatakbo sa aking isipan. Hindi ako dapat mag-aksaya ng panahon sa pag-iisip kung sino ang lalaking umiibi

