Hinanda ko ang aking sarili sa anumang atakeng balak gawin ng estrangherong lalaki sa akin. Ang mga espirito ay nakalutang sa hangin, sa kanyang likuran—naghahanda upang sundin ang kanyang utos. Ginalaw niya ang kanyang tungkod, tinapat niya ang kanyang kamay at inikot habang nagpapalabas ng kaunting kapangyarihan. May lumabas na usok at napansin kong dumarami ang bilang ng mga espiritong narito sa lumang bahay. Unti-unti rin na lumalakas ang kanilang pwersa. Kinokontrol niya ang mga ito. Hindi ko ipinahalata ang aking pagkagulat…at takot sa aking nasasaksihan. Nanatili akong nakatayo habang mahigpit na hinahawakan ang dulo ng aking damit. Hindi ko makapa ang aking sandata, bigla itong nawala na parang bula, ang tanging natira ay ang holster. I gulped twice and think for a way to fight hi

