I'm holding a bouquet of white roses and a three boxes of Amedei Porcelana chocolates while walking confident towards Morana’s office. People are staring at me, some are secretly taking a picture.
Tumigil ako sa harap ng Elevator papunta sa taas. Ginagantihan ko nang ngiti ang ilang empleyadong nakakasalubong ko sa daan. I need to be polite to them because they work under her company. Nakarating ako sa top floor—kung saan naroon ang kanyang opisina— mabilis akong lumabas sa elevator ngunit bumungad sa paningin ko ang isang lalaking tinititigan ang isang cactus sa working table nito. Sa tingin ko’y lumilipad sa kung saan ang kanyang pag-iisip dahil hindi man lang niya naramdaman ang aking pagpasok.
Naglakad ako palapit sa kanya saka kumaway sa harap ng kanyang mata. Ilang sandali ay napakurap siya at napatingin sa akin.
"Ay, Sir! Sino po sila? May appointment ba kayo kay Miss M?" Tanong niya habang inaayos ang ilang dokumentong nagkalat sa kanyang mesa.
"Is she inside?" I asked him, he nodded his head repeatedly and motioned me to get inside.
Tinalikuran ko siya at humarap sa pinto ng opisina ni Morana. Kumatok ako ng dalawang beses bago pumasok.
Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng kabinet at nakatulala lang. Hindi ko alam kung ano ang kanyang tinitingnan.
"Hello, baby." Masayang bati ko sa kanya. She glanced at me over her shoulder and gave me a piercing look, making me feel uncomfortable.
"Who are you calling baby, Mr. Sedeja?" She asked in a stern voice and walked slowly to my side.
"I'm referring to you. By the way, flowers and chocolates, for you." Binigay ko ang aking hawak sa kanya habang piping nagdadasal na sana'y kunin niya. Napangiti ako nang tanggapin niya iyon. Nilagay niya sa tabi ng kanyang mesa ang bulaklak at itinago ang chocolate sa loob ng fridge.
"Salamat, bakit ka pala naparito?"
"Hihingi sana ako ng permiso," sagot ko habang nakangisi. Hinawakan ko ang aking baba saka siya tinitigan.
"Permiso?" Mukhang namang naguluhan siya sa aking sinabi kaya natawa ako. Inayos ko ang upuan sa harap ng kanyang mesa para ako'y makaupo nang komportable.
"I want to court you, would you let me?" I asked her with full of confidence.
Her lips slowly curved into a smirk. "Nice try, but better luck next time. Kung anuman ang kalokohang nasa isipan mo, drop it. Hindi ako nagpapaligaw. You can get out of my office." Nakangisi niyang saad at itinuro ang pinto.
Umiling ako habang may ngiti sa mga labi. Kaya gustong-gusto ko si Morana dahil sa kanyang ugali. She's too hard to please. Parang ang hirap niyang pasayahin, very challenging. O should find out what makes her happy.
"Whether you like it or not, I'm still going to pursue you. No one can stop me, Morana. I really like you."
She shrugged her shoulder and turned her back on me, totally ignoring me.
"I'm going to leave, I have a meeting to attend. See you later, Love." Lumabas ako sa kanyang opisina matapos kong magpaalam, hindi na man siya nag-abalang sumagot sa akin.
Nagmamadaling bumaba ako at bumalik sa aking kotse. Kabaliwan itong naiisip ko pero hindi ako maaaring tumigil hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko kay Morana.
Hinawakan ko ang aking mga labi habang iniisip ang mga binitawang salita ni Devland. Sarkastikong natawa ako, ano nanaman ang pumasok sa isipan ng taong iyon? Bakit ako pa ang kanyang pinag-aaksayahan niya ng panahon. Baka naman bored lang siya.
Sinong matinong lalaki ang magkakagusto sa babaeng tulad ko? I'm a mess, and no one loves a mess. No man can ever love me sincerely. I don’t believe in pure and innocent love, that’s unreal. Dahil kung meron man 'di sana ay naramdaman ko iyon mula sa aking mga magulong, subali’t kahit minsan ay hindi nila ipinaramdam sa akin na dapat akong mahalin. I’ve been longing for love since I was born in this world but no one gave it me. I asked and begged for it but no one accepted me, because I’m a monster, a bad luck and a disgrace.
Naramdaman ko ang paglakas ng hangin sa aking likuran. Nakatitiyak akong si Cozbi ang dumating, tumalikod ako para makita ang nilalang na dumating at hindi nga ako nagkamali. Si Cozbi nga ang lumitaw sa aking harapan.
Nakasuot ito ng pulang pantalon, dilaw na tube at asul na stilettos. Kahit kailan talaga at hindi siya marunong sa pag-match ng damit. Walang emosyon ang mukha niya habang papalapit sa akin. Inabot niya ang isang maliit na papel at muling naglaho.
Tiningnan ko ang papel. Isang address ang nakasulat. Kinuha ko ang aking bag at umalis. Alam ko na kung para saan ang bagay na ito.
Dumaan ako sa emergency exit para deretso na sa basement. Naroon kasi ang isa kong kotse. Minsan ko lang iyon nagagamit dahil isa iyon sa ini-ingatan kong gamit.
Ang customized kong Bugatti Chiron na gawa sa ginto at pilak. Malaki ang nagastos ko para sa sasakyang 'to. O spent billions just to have my dream car.
Sumakay ako sa kotse at pinaharurot papunta sa isang lumang bahay.
Tumigil ako sa harap at sinuri ang buong paligid. Nararamdaman ko ang mga masasamang espiritong narito. Hindi lang isa kundi lima. Lima ang espiritong namamalagi sa lumang bahay na ito.
Kinuha ko ang aking baril sa compartment. Mukhang mapapalaban ako mamaya. Masyadong malakas ang pwersang nakabalot sa bahay na ito.
Bumaba ako sa kotse habang isinusukbit ang pistol sa suot kong holster. Inayos ko ang suot kong long sleeve blouse para hindi mahalatang merong baril sa aking bewang.
Marahan akong pumasok sa bahay. Habang papalapit nang papalapit ay mas lalong bumibigat ang atmósfera, nakapalibot ang mga espirito sa paligid. Nagbabantay, ramdam na ramdam ko ang kanilang galit na matagal na nilang kinikimkim. Nais nilang maghiganti, delikado ang mga ito at nanganganib ang buhay ng mga naninirahan dito.
Kumatok ako sa pinto ng bahay. Ilang sandali ay lumabas ang isang batang babae. Nakasuot siya ng asul na balloon dress, meron pang maliit na tiara sa buhok niya.
"Magandang umaga, mahal na prinsesa!" Bati ko sa kanya. Masaya siyang ngumiti at basta na lang akong pinapasok sa kanilang bahay. Masyadong malaki ang tiwala nitong bata sa akin.
"Sino ka?" Tanong ng isang matandang lalaki. Nakatayo siya sa gitna ng sala habang nakahawak sa kanyang tungkod, doon siya kumukuha nang lakas. Sa harap niya ay may isang babae, sa tingin ko ay magka-edad lang kami. May mag-asawa rin sa kanyang likuran. Nakatayo ang mga ito, pinagmasdan ano. Mukhang may alam ang mga ito kung sino ako, base na rin sa nakikita ko sa kanilang mga mata. Mukhang silang dalawa ang kinokontrol ng espirito.
"Maari niyo ba kaming iwan?" Magalang kong tanong sa matanda ngunit hindi ito nakinig.
"Alam ko kung ano ang iyong pakay. Malapit mo na siyang makilala, Hija. Malapit mo nang makilala ang lalaking umiibig sa iyo." Sabi ng matandang lalaki kahit hindi ito direktang nakatingin sa akin. Batid kong para sa akin ang salitang binitawan niya, dahil wala namang ibang dayo rito kundi ako lamang.
Lumabas silang ng dalawa ng babaeng nagbabantay sa kanya kasama ang batang babaeng sumalubong sa akin kanina.
"Nais ko kayong makausap." Bungad ko sa mag-asawa. Ngumiti sila ngunit alam kong hindi nila nais na narito ako.
Tumigil sila sa kanilang ginagawa at inanyayahan akong maupo. Binigyan nila ako ng tsaa pero hindi ko ininom. I don’t trust them, especially on their state right now.
"Dederetsuhin ko na kayo. Alam kong nararamdaman niyo rin sila. Bakit hindi pa kayo umalis?" Tanong kong may bahid ng pag-aalala. Ngumiti ang babae sa akin bago sagutin ang aking tanong.
"Paano ko iiwan ang nag-iisang bagay na siyang alaala ng aming pamilya?" A lone tear fell on her eyes. Mabilis niyang pinunasan ang luhang kumawala sa mata niya at unti-unting nawala ang emosyon sa kanyang mga mata.
Huminga ako ng dalawang beses. Hinawakan ko ang kamay niya ngunit hinampas niya ang aking braso kaya ko siya nabitawan.
"Hindi mo ako makukumbinsing lisanin ang pamamahay na ito kaya umalis ka na." Mahinahon niyang utos subali't batid kong siya'y galit na.
Tumayo ako ngunit bago pa man maka-alis ay may lalaking lumitaw sa aking harapan. May hawak itong tungkod at biglang itinutok sa aking leeg.
Hindi agad ako nakagalaw dahil sa gulat. Biglang dumilim ang paligid at nakita ko ang limang masasamang espiritong papalapit sa akin. Nanlilisik ang pula nilang mata dahil sa galit.
"Katapusan mo na." Banta niya sa akin habang nakangisi.
I shake my head. No, we're just starting.
I was busy healing my freshly cut wound when he appeared in front of me. He was juat walking casually while sipping a cup of brewed coffee, as he stop in front of me he handed me the cup of coffee that he’s been carrying.
“Why are you still here? He’s doing his plans right now.” I remain uninterested of what he was saying. I am confident that he won’t kill her, he won’t dare to do it.
“How can you be so sure?” I diverted my gaze into the coffee that he gave a took a sip.
“Stop reading my mind and why are you telling me this?”
He smirked evilly and shrugged his shoulder, “I want to kill her myself.”
Tumayo ako at hinampas ang aking mesa habang tinitingnan siya ng masama. “Don’t you dare!” I exclaimed with fury but he shrugged his shoulder again and giving me meaningful stare.
“Then you better save her before I take her life.”
Mabilis na umalis siya dahil sa aking sinabi. I sighed deeply, if I could only do that thing. I’ll be able to make it right.
Napatingin ako sa paper cup na iniwan niya, haloa maubos na ang kape kaya naman napangiti ako.
This is the only way I know that I can help you.